Love knows no age: Sweet lolo spotted sa jeep, may pa-flowers kay misis

Love knows no age: Sweet lolo spotted sa jeep, may pa-flowers kay misis

- Maraming netizens ang kinilig sa lolo na spotted sa isang pampasaherong jeep na may hawak na flowers

- Ayon sa uploader, hindi alam ni lolo na kinuhanan niya ito habang nakasakay sila sa jeep

- Hindi raw kasi nito napigilang ibahagi ang nakakatuwang imahe ng matandang lalaki para sa minamahal nito

- Talagang marami ang mapapa-sana all kay lolo dahil dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ito ang totoong "sana all"! Viral ngayon sa social media ang lolo na spotted sa isang pampasaherong jeep habang may hawak na flowers.

Ayon sa uploader na si Rye Smith, hindi alam ng matandang lalaki, na nakilalang si lolo Jose Zamora, na kinuhanan niya ito habang nakasakay sila sa jeep.

Hindi raw kasi nito napigilan ang maaliw at matuwa sa imahe ng matandang lalaki at ibahagi sa social media.

Hindi naman nagkamali si Rye dahil libo-libong netizens ang natuwa sa kanyang post.

Sa kasalukuyan ay umabot na nga sa 24,000 ang shares nito habang 21,000 naman ang reactions sa Facebook.

Marami tuloy netizens ang hindi naiwasang humanga kay lolo Jose, na sa kabila ng kanyang edad ay hindi pa rin kumukupas ang pagmamahal at pagpapahalaga sa kanyang minamahal.

"Cute ni lolo."
"So sweet..lucky wife..keep it up Lo."
"Khit n tumanda yung isang tao kapag mhal mo kusang lumalabas sa katawan yung kasweetan lucky wife ang merong ganun asawa."
"Sweet super lolo."
"sabay sabay naman tayong mag sana all."
"Sana all nabigyan."

Iilan ang mga posts na naglitawan sa social media kung saan ibinabahagi ng marami ang pagmamahal nila para sa kanilang mga nobyo o nobya.

May mga tumatak na rin sa marami at nagviral katulad ng nangyari kay lolo Jose.

Patunay lamang ito na ang mga Pinoy, natural na mapagmahal at dakila kung umibig kahit pa nga dumating na sa dapit-hapon ng buhay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel