Pamilya ng babaeng nagpaturok ng gluta at nasawi, naglabas ng pahayag
- Nagpaunlak ng panayam ang pamilya ng babaeng nasawi matapos magpaturok ng glutathione sa isang spa sa Maynila
- Sa programang 'Kapuso Mo Jessica Soho', naglabas ng pahayag ang mga ito, isang araw matapos ilibing ang biktima
- Ayon sa mister at kapatid ng babae, hindi ito ang unang beses na nagpaturok ang biktima sa naturang spa ngunit noong una pa man ay nakaranas na ito ng pagsama ng pakiramdam
- Habang isa namang lalaki ang lumutang din at sinabing kapareho rin diumano ang kanyang naranasan matapos magpaturok sa spa kung saan nagpaturok ang babae
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Labis na nangungulila ang pamilya ng babaeng nasawi matapos magpaturok ng glutathione sa isang spa sa Maynila, na una nang naiulat ng .
Sa programang Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS), naglabas ng pahayag ang mga ito, isang araw matapos ilibing ang biktimang si Shyril Gee Distor, 33-anyos at isang restaurant manager.
Inulila ni Shyril ang apat nilang mga anak kabilang na ang kambal na 2 taong gulang pa lamang.
Ayon sa mister at kapatid nito, hindi ito ang unang beses na nagpaturok sa Glutaholics Spa si Shyril pero noong una pa man ay nakaranas na ito ng pagsama ng pakiramdam.
Sabi pa nga raw nito sa kanyang mister ay tila ito nabigyan ng panibagong buhay matapos nang nangyari.
Ngunit bumalik pa rin si Shyril sa naturang spa para magpaturok muli. Ilang sandali lang matapos itong magpaturok ulit, bigla itong nawalan ng malay.
Ang mister nito na isang assistant cook sa isang cruise ship na nasa Amerika nang mga panahong iyon, sa punerarya na nakita ang asawa.
Samantala, isa pang biktima ang lumutang na nagsabing nakaranas din ng pagsama ng pakiramdam matapos ang unang pagpapaturok sa nasabing spa.
Ayon kay Daniel James Sy, una pa lang ay nakaramdaman na siya ng sakit habang nakaturok sa kanya ang gluta. Lumobo rin diumano ang kanyang mga ugat.
Hanggang sa nanikip na ang kanyang dibdib, nagsuka, nahilo at sumakit ang ulo at tiyan.
Hindi nagtagal halos mawalan na ng lakas ang katawan ni Daniel at tuluyan nang isinugod sa ospital.
Nakatakda rin daw itong magsampa ng kaso laban sa Glutaholics Spa.
Naglabas naman ng kanilang statement ang Glutaholics sa kanilang social media account at sa kasalukuyan ay may nakapaskil na sa kanilang gate na "No Gluta services".
Ayon naman sa Food and Drug Administration (FDA), ipinagbabawal ang paggamit ng swero para sa mga gamot na hindi inireseta ng mga doktor o kaya naman ay sa mga establisyementong hindi awtorisado.
Paglilinaw din ng ahensiya, mayroong “toxic effects” ang glutathione sa kidneys, liver, at nervous system ng isang tao.
Ang glutathione ay ginagamit lamang daw para sa mga taong may cancer.
Samantala, nakatakdang lumabas ang autopsy report sa katawan ni Shyril at dito na malalaman kung ano ang naging sanhi ng cardiac arrest na ikinamatay nito.
Muli, taos-pusong nakikiramay ang KAMI sa lahat ng mga naulila ni Shyril.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh