Nikko Natividad, pinagtripan ng mga kaibigan habang natutulog

Nikko Natividad, pinagtripan ng mga kaibigan habang natutulog

- Ibinahagi ng Hashtags member na si Nikko Natividad ang kanyang itsura matapos siyang mapagtripan ng mga kaibigang sina Jon Lucas at Zeus Collins

- Magkakasama silang magkakaibigan at iba pang kagrupo sa pagdiriwang ng kaarawan ni Nikko

- May picture pa sina Zeus at Jon kasama si Nikko na nauna nang nakatulog sa kanila

- Kinaaliwan ng mga netizens ang kulitan nilang magkakaibigan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng Hashtags member na si Nikko Natividad ang pictures kung saan puno ng guhit at sulat ang kanyang mukha. Makikita din sa kanyang post na kasama niya ang kasamahang sina Jon Lucas at Zeus Collins.

Magkakasama sila at iba pang mga kaibigan sa pagdiriwang ng kaarawan ni Nikko. Sa kanyang caption, pabiro niyang pinagbantaan ang dalawang kaibigan na ipapatulfo niya ang mga ito.

"Tandaan nyo!! Ipapa TULFO ko kayo!! Magtago na kayo @lucas_aljhon @hashtag_zeuscollins. Sobra tong ginawa nyo saken halos di ako kumakaen at nagsasalita. "

Sinagot naman ito ni Jon at pabiro ding sinagot ang kanyang banta. "Ha? Bakit nadamay ako? Hindi ako marunong magdrawing. Nakitulog lang kami e," ani Jon.

Sa isa pang post, ipinakita ni Nikko na pati pala sa kanyang katawan ay may mga guhit. "Gwapo pako bago matulog. Pag gising ko baboy nako. Pati katawan ko nilagyan nyo @hashtag_zeuscollins @lucas_aljhon. Problema ko ngayon pano buburahin to," aniya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Nikko Natividad ay unang sumikat matapos niyang manalo sa Gandang Lalake segment ng It's Showtime. Kinalaunan, nakabilang siya sa tinaguriang "kilig ambassadors" ng noontime show, ang grupong Hashtags.

POPULAR: Read more about entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! Click the play button ang find out how many among the respondents could recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel