Video ng nurse sa Wuhan na di makauwi kahit namatayan ng ina, nagpaluha sa netizens

Video ng nurse sa Wuhan na di makauwi kahit namatayan ng ina, nagpaluha sa netizens

- Viral ang video ng isang nurse sa Wuhan, China na di maaring makauwi mula sa ospital kahit pa namatayan na siya ng ina

- Nakatanggap lamang umano ito ng tawag tungkol sa nakalulungkot na balita at wala na siyang nagawa kundi ang umiyak

- Matapos ang ilang minuto, minabuti na niyang bumalik sa trabaho

- Di na maari pang makauwi ang mga health workers na nasa loob ng mga ospital upang makaiwas na maikalat pa ang virus na mula sa mga pasyente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nadurog ang puso ng mga netizens na nakapanood sa viral video ng isang nurse sa Wuhan, China na namatayan ng ina.

Isa ang nurse na ito na nasa ‘Fire God Mountain’ na itinayong ospital sa Wuhan,China sa loob lamang ng walong araw upang pagsama-samahin na ang lahat ng mga tinamaan ng Coronavirus 2019 o COVID-19.

Nalaman ng KAMI na nakatanggap ng tawag ang naturang health worker at napag-alaman niyang pumanaw na pala ang kanyang ina.

Wala itong nagawa kundi ang umiyak sapagkat hindi na siya maaring makauwi pa at naka-lockdown na sila sa ospital.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kahit mabigat ang dahilan ng nurse para sana siya ay makauwi, hindi ito pahihintulutan sapagkat maaring siyang mahawa pa ng mga nasa labas ng ospital.

Matapos umiyak, inayos na agad ng nurse ang kanyang sarili upang makabalik na muli sa trabaho.

Masasabing malaking sakrpisyo ang ginagawa ng mga health workers partikular na sa Wuhan kung nasaan ang outbreak ng COVID-19.

Kamakailan lamang, anim sa kanila ang binawian ng buhay habang naglilingkod sa mga tinamaan ng virus.

Narito ang emosyonal na video ng nurse na umantig sa puso ng marami:

How well do you know the smile of your favorite Pinoy celebrity?

Tricky Questions Celebrities: Guess The Star By The Charming Smile | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel