Mga bigating nagkaroon ng "isyu" sa ABS-CBN, dapat daw tanungin -Sonza

Mga bigating nagkaroon ng "isyu" sa ABS-CBN, dapat daw tanungin -Sonza

- Dapat din daw na hingan ng pahayag ang ilang mga bigating pangalan sa industriya ng pamamahayag kaugnay ng kinakaharap na isyu ng ABS-CBN

- Ito ay ayon sa beteranong journalist at supporter ni Pangulong Duterte na si Jay Sonza

- Hinikayat pa nito si Senator Grace Poe na imbitahin ang mga ito kasama ang mga empleyadong tinanggal diumano ng giant network noon

- Dati rin itong nagtrabaho sa TV network ngunit naging kontrobersyal matapos lumipat sa siyete

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

May maanghang na pahayag ang beteranong journalist at kilalang supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Jay Sonza kaugnay ng mainit na isyung kinakaharap ng ABS-CBN.

Sa kanyang social media account, sinabi ni Sonza na dapat daw na hingan din ng pahayag ang ilang bigating pangalan sa industriya ng pamamahayag na nagkaroon ng "isyu" sa Kapamilya network.

Hinikayat pa nito si Senator Grace Poe na imbitahin ang mga ito kasama ang mga empleyadong tinanggal diumano ng giant network noon sa planong Senate hearing kaugnay ng isyu.

"Kung talagang serious kang malaman ang mga kabulastugan ng abs-cbn Sen. Grace Poe- Llamanzares, imbitahin mo ang mga sumusunod na resource persons:

1. Mel Tiangco

2. Angelique Lazo

3. Ruth Abao

4. Izza Reneva-Cruz

5. Erwin Tulfo

6. Jay Sonza

7. Korina Sanchez-Roxas

8. Gel Santos-Relos

9. Group 103 forcibly terminated cameramen, cablemen, lightmen, vtr men, driver.

10 Group 457 forcibly dismissed employees.

11. Group 209 forcibly retired employees.

12. ten thousand employees without mandatory social amelioration coverage.

kung magpapakatotoo ka!

kung hindi, tama na iyang lecheng pautot mong senate hearing!"

Dagdag pa ni Sonza, huwag din daw kalimutang imbitahan si Willie Revillame na dati ring naging parte ng Dos at nakatanggap ng P127-M copyright infringement case mula sa network matapos nitong umalis doon.

Dating nag-trabaho si Sonza sa ABS-CBN at naging host pa nga ng dating show na "Mel and Jay" kasama si Mel Tiangco.

Ngunit naging kontrobersyal ang dalawa matapos lumipat sa GMA 7 at nag-reunion sa show na "Partners Mel and Jay".

Sa isang ulat ng Spot.PH, nagkaroon ng pagkakataon na matanong si Mel Tiangco noong 2013 kaugnay ng nangyari rito sa ABS-CBN noon.

Natanong ang ngayo'y GMA 7-news anchor kung pwedeng maitampok ang buhay nito sa show nitong "Magpakailanman".

"Naku, baka hindi puwede! Kasi yun ang pang-aapi sa akin ng ABS. Pero puwede ba yun? Baka idemanda tayo!

"Kasi sobra ang panlalait sa akin. Sobra ang pagtapak sa akin. Dini-describe ko nga nun na, feeling ko, para akong ipis nun. Alam n'yo naman kung paano ba patayin ang ipis? Di ba, tinatapakan, tapos idiin pa para mapisa nang husto? Ganun ang feeling ko nun," ayon kay Tiangco.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang ulat ng , isang dating technical director sa ABS-CBN ang nagbigay din ng maanghang na pahayag ukol sa network.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone