Bangkay ng lalaking nawala noong Taal eruption, nalibing sa putik

Bangkay ng lalaking nawala noong Taal eruption, nalibing sa putik

- Natagpuan na ang isa sa dalawang lalaki na naiulat na nawawala nang mag-alboroto ang Taal Volcano

- Ang bangkay ni Marlon Deteral, 26 taong gulang ay nadiskubre sa isang bangka na nalibing na sa abo at putik sa Taal Volcano Island

- Ayon sa ulat, kinilala ito ng kanya mismong amain sa pamamagitan ng tattoo nito

- Mismong sa kaarawan pa nito nang matagpuan ang kanyang mga labi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Natagpuan na ang isa sa dalawang lalaki na naiulat na nawawala nang mag-alboroto ang Taal Volcano noong Enero 12, 2020.

Ang bangkay ni Marlon Deteral, 26 taong gulang, ay nadiskubre sa isang bangka na nalibing na sa abo at putik sa Taal Volcano Island.

Noong Enero 26, nanawagan ang kapatid nito na si Bernadette Valenzuela ukol sa pagkawala ng lalaki.

Hindi raw kasi ito sumakay sa huling bangka na naglikas sa mga mamamayan mula sa isla.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN at Inquirer, nadiskubre ang bangkay nito ng isang bangkero na sinubukang hukayin ang kanyang bangka kung saan nakita ang katawan ni Deteral.

Kinilala ito ng kanya mismong amain na si Christopher Deteral sa pamamagitan ng tattoo nito ayon kay Batangas police chief Col. Edwin Quilates.

Batay sa ulat, pumunta si Deteral sa isla para dumalo sa isang kasalan nang maganap ang pag-aalboroto ng bulkan.

Mismong sa kaarawan pa nito nang matagpuan ang kanyang mga labi.

Sabi naman ni Batangas disaster response chief Lito Castro, hinihintay pa nilang matapos ang imbestigasyon ng mga pulis ukol dito bago ideklara si Deteral bilang kauna-unahan at nag-iisang nasawi ng pagputok ng Taal Volcano.

Samantala, ang isa pang lakaki na kinilalang si Alexander Dando Jr. ay nanatili pa ring nawawala hanggang sa kasalukyan.

Bumuhos naman ang pakikiramay para sa pamilya ng nasawi.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel