Mayor Isko, handang disiplinahin ang 3 binatilyong nagsunog sa paninda ng balloon vendor

Mayor Isko, handang disiplinahin ang 3 binatilyong nagsunog sa paninda ng balloon vendor

- Nagbigay babala na si Mayor Isko Moreno sa mga binatilyong pinagtripang sunugin ang paninda ng balloon vendor

- Nag-viral ang CCTV footage ng walang awang pagsunog ng tatlong binatilyo sa mga lobo na naging sanhi rin ng pagkasunog ng nagpapahingang tindero nito

- Binalaan din ni alkalde ng Maynila ang mga magulang ng mga bata pagdating sa pagdidisiplina sa mga ito

- Sisiguraduhin daw niyang papanagutin niya ang mga binatilyo gayundin ang mga magulang nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di pinalampas ni Mayor Isko Moreno ang viral video ng tatlong kabataan na pinagtripang sunugin ang mga panindang lobo ng isang kaawa-awang balloon vendor.

Halatang uminit ang ulo ng alkalde ng Maynila sa ginawa na ito ng tatlong kabataan sa taong maayos na naghahanapbuhay.

Sa Pandacan Maynila naganap ang insidente kaya naman wala raw kawala ang mga binatilyo sa mata ng alkalde.

Nakuha na raw ng lokal na pamahalaan ang mga mukha at pangalan ng tatlong batang lalaki at alam na rin daw nila kung saan nakatira ang mga ito.

Ayon pa kay Yorme, papanagutin niya ang mga magulang ng mga bata ngunit papapanagutin pa rin niya tatlong binatilyong nakagawa ng malaking perwisyo sa nagtatrabahong ng marangal.

Dagdag pa niya, kung di raw kaya ng mga magulang ng mga binatilyo na ito na disiplinahin ang kanilang mga anak, mamamagitan na raw ang gobyerno.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kapansin-pansin ang sama ng loob ng alkalde ng Maynila dahil sa nagawa ng mga batang ito na walang-puso at wala ring disiplina.

Matatandaan sa unang ulat ng KAMI binahagi ng isang netizen ang CCTV footage ng aktwal na pagsunog ng tatlo sa mga lobo ng tindero.

Di agad nakawala ang pobreng tindero dahil nakatali sa kanya ang mga lobo.

Sunog ang kalahating braso at binti nito at nanghihinayang siya sa kikitaan sana niya noong Araw ng mga Puso.

Narito ang kabuuan ng video ni Mayor Isko na naibahagi rin ng Raffy Tulfo supporters:

How well do you know the smile of your favorite Pinoy celebrity?

Tricky Questions Celebrities: Guess The Star By The Charming Smile | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel