84-anyos na lolo, pinakilig ang kanyang misis sa Araw ng mga Puso

84-anyos na lolo, pinakilig ang kanyang misis sa Araw ng mga Puso

- Maging ang mga netizens ay kinilig sa viral video ng 84-anyos na lolo na sinurpresa ang kanyang misis noong Valentine's Day

- Mula sa dialysis center, diretso agad ang lolo sa kanyang asawa upang ibigay ang muting surpresa niya para rito

- Kitang-kita ang tuwa ng lola sa binigay ng kanyang mister, at halatang kinikilig pa rin ito

- Umabot na sa 1 million views ang nakakaaliw na video ng mag-asawang nagpangiti at nagpaluha sa marami

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ang naapanahong video ng 84-anyos na si Tatay Andy nang maisipang niyang i-surpresa ang kanyang misis para sa Araw ng mga Puso.

Sa video na binahagi ng anak na si Ferdinand Sangre, makikitang nakasakay si Tatay Andy sa kotse nang may iniaabot ito kay Nanay Bebs.

Nang mapansin ng 83-anyos na misis ni Tatay Andy na hugis puso ang binibigay ng asawa, napangiti ito at kitang- kita na ito'y kinikilig pa rin.

Kwento ni Ferdinand, ibinigay daw kay Tatay Andy ang Valentine's gift na ito sa kanya sa dialysis center.

Naisip ng nito idaan agad at ibigay sa kanyang misis bilang munting surpresa sa Araw ng mga Puso.

Nakakatuwa ang reaksyon ni Nanay Bebs at nagawa pa niyang hampasin nang pabiro ni Tatay Andy.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matapos na kunin nito ang munting regalo, sinabihan ng misis ang kanyang mister ng "Love you" at sinuklian naman ito ni Tatay Andy ng matamis na halik.

Kilig na kilig ang mga netizens at talagang "napa-sana all sila" sa video ng dalawa.

Masasabing espesyal nang maituturing ang pagsasama ng dalawa dahil sa kabila ng kanilang edad ay napanatili pa rin nilang nag-aalab ang pag-ibig nila sa isa't isa.

Maswerte rin daw ang mga anak nina Tatay Andy at Nany Bebs dahil kung nagtagal ang dalawa dala ng kanilang pagmamahalan, lumaki rin ang kanilang mga anak ng puno ng pag-ibig at pagmamahal sa pamilya.

Umabot na sa mahigit 1 million ang views ng nakakaantig ng pusong video na ito na sana'y magsilbing inspirasyon sa mga mag-asawa at nasa isang relasyon.

Narito ang kabuuan ng video:

How well do you know the smile of your favorite Pinoy celebrity?

Tricky Questions Celebrities: Guess The Star By The Charming Smile | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel