Robin Padilla, bumwelta sa pahayag ng isang ABS-CBN executive laban sa kanya

Robin Padilla, bumwelta sa pahayag ng isang ABS-CBN executive laban sa kanya

- Sinagot ni Robin Padilla ang mga naging pahayag ng ABS-CBN production executive na si Ethel Manaloto-Espiritu

- Ito ay kaugnay sa naunang post ni Robin tungkol sa diumano'y working conditions ng mga talents ng mga TV networks

- Matatandaang sa Twitter account ni Espiritu, sinagot niya ang mga tirada ni Robin tungkol sa pamamalakad ng TV network

- Banat ni Robin, huwag na idaan sa drama at harapin na lang ng network ang isyu ng franchise at labor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang panibagong buwelta ang ibinahagi ni Robin Padilla sa social media kasunod ng mga naging pahayag ng ABS-CBN production executive na si Ethel Manaloto-Espiritu hinggil sa kanyang naunang post ni Robin tungkol sa diumano'y working conditions ng mga talents ng mga TV networks.

Buwelta ni Espiritu sa tirada ng aktor, sa tagal ng aktor na nakapagtrabaho sa Kapamilya kabilang na sin ang ilang kamag-anak niya, sana ay ipinaglaban nito kung may napansin na pala siyang mali sa pamamalakad ng network.

Dagdag pa ni Espiritu, ang isyung pinupukol ng aktor ay panlilihis daw sa kinakaharap na isyu ng ABS-CBN.

Sa kanyang social media account, sinagot ni Robin ang tweets ni Espiritu.

Binanggit ng aktor ang kanyang nagawang tulong sa mga empleyado ng network. Nabanggit din niya ang naging pag-uusap nila ng yumaong si Gina Lopez tungkol sa housing ng mga non regular employees ng ABS-CBN.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Binaggit din ni Robin ang isa pang ABS-CBN employee na si Rocky Ubana, na executive producer ni Robin sa dati niyang sitcom na Todamax.

"At sayo mam rocky Ubana batid ba ng mga boss mo sa abscbn na ikaw mismo sa panahon ko ay sub contractor ng tent? Magkano ang sueldo mo sa tao? Minimum ba? May overtime ba? Registrado ba yun agency mo? Alam ba ng Dole na may mga laborer ka na nagpupuyat at walang working hours? Ano ang mga benepisyo? "

Dagdag pa ni Robin, malaki ang pasasalamat niya sa Kapamilya network pero ang tunay daw na issue ay tungkol sa franchise at labor at sana daw ay huwag daanin sa drama.

"I already apologized pero kung gusto niyo pa walang problema sa akin we can run the whole marathon," pagtatapos niya.

Si Robinhood Ferdinand Cariño Padilla o Robin Padilla ay kilala bilang “Bad boy of Philippine cinema”. Isa rin siyang screenwriter, producer, director and nationalist. Tinatawag din siyang“The prince of the Philippine Action Movies”.

Agosto 10, 2010 nang ikasal siya kay Mariel Rodriguez sa Taj Mahal sa India. Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Roben sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang isang anak, si Isabella na ipinanganak noong Nobyembre 14, 2016.

POPULAR: Read more about Robin Padilla here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! Click the play button ang find out how many among the respondents could recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel