Angeline Quinto, walang kaaerte-arteng nagbenta at naglako sa lansangan

Angeline Quinto, walang kaaerte-arteng nagbenta at naglako sa lansangan

- Muling binalikan ni Angeline Quinto ang kaniyang buhay bago pa ang kanyang tinatamasang kasikatan

- Ibinahagi niyang naranasan niyang magtinda noong araw kasama ang kanyang mga kaibigan

- Walang nakapansin na siya si Angeline dahil sa kanyang suot na face mask

- Sa kanyang YouTube vlog, sinubukan niyang magbenta ng ihaw-ihaw, balot, walis, palamig, fishballs at marami pang iba sa loob ng isang araw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanyang YouTube channel, ibinahagi ni Angeline Quinto na naalala niya ang kanyang karanasan noong siya ay bata pa sa tuwing makakakita siya ng mga nagtitinda at naglalako. Kaya naman, naisipan niyang muling subukan ang magtinda at maglao sa loob ng isang araw.

Pagbabahagi niya, ang naiipon niyang pera mula sa pagtitinda kasama ang kanyang mga kaibigan ay ipinangbibili niya ng gamit sa paaralan.

Una niyang sinubukang magtinda ng ihaw-ihaw. Dahil nakatakip ang bahagi ng kanyang mukha dahil sa face mask, hindi siya nakilala ng mga taong bumibili.

Kagaya ng isang tunay na taong sanay sa kalye, kumain si Angeline nang walang plato ay nagkamay lang din.

Walang kaarte-arte din niyang nilako ang fish balls na paninda habang nakasakay sa bisikleta..

Sunod niyang sinubukang magtinda ng mga gamit sa bahay kagaya ng walis at dustpan. Nagtinda din siya ng balot.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kinausap niya rin ang isang kaibigan niya kung pwedeng siya muna ang magde-deliver ng pagkain na inorder ng customer sa isang Food delivery app.

Marami sa mga followers at viewers ni Angeline ang natuwa at bumilib sa Kapamilya singer. Narito ang ilan sa mga komento nila sa YouTube video ng singer.

I love how she said "yan yan eto dito ako lumaki" she was so proud of the place where she came from. Ate geee!!!! you really made me fall inlove with you . Siguro yung mga taong nakakita neto ngayon na naging part nyan must be very shock.
Parang hindi halimaw sa stage ng ASAP .... feel nyo rin ba ? San to at makadayo?
Galing naman … alam na alam mo ang tao na nagmula sa pagtitinda ng street food...parang may masters degree kasi expert sa pag iihaw, pagpadyak ng tricylcle.

Sa naunang ulat ng KAMI, naging usap-usapan ang video ng payak na pamumuhay ni ANgeline bago pa siya sumikat.

Si Angeline Quinto ay isang sikat na mang-aawit sa Pilipinas. Una siyang nakilala sa mundo ng entertainment nang sumali siya sa Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar.

POPULAR: Read more about Angeline Quinto here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! Click the play button ang find out how many among the respondents could recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel