Raffy Tulfo, sinagot ang handaan ng fans para sa kanilang 50th wedding anniversary

Raffy Tulfo, sinagot ang handaan ng fans para sa kanilang 50th wedding anniversary

- Sinadya ng OFW na si Mylene Dela Torre si Raffy Tulfo upang makita lang sana ito ng kanyang mga magulang

- Iyon daw kasi ang hiling ng kanyang ama na numero unong tagahanga ni Tulfo

- Magdiriwang din kasi ang mga magulang ni Mylene ng ika-50 na anibersaryo ng kanilang kasal kaya naisipan niyang surpresahin ang mga ito

- Napaghandaan naman na ni Mylene ang selebrasyon dahil maituturing na napakalaking kaganapan ito sa buhay mag-asawa ng kanyang mga magulang

- Nang malaman ni Idol Raffy na magdiriwang na pala ng golden anniversary ang dalawa, sinagot na niya ang reception nito nang sa gayon ay maipon na lamang ni Mylene ang sana'y gagastusin sa handaan para sa kanyang mga magulang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakaiyak sa tuwa ang episode na ito ng Raffy Tulfo in Action kung saan ang OFW na anak ng avid fan ni Tulfo ay sinurpresa ang kanyang mga magulang.

Nalaman ng KAMI na magdiriwang pala ng 50th wedding anniversary ang mga magulang ni Mylene Dela Torre kaya naisipan niyang isurpresa ang mga magulang.

Emosyonal na lumapit na si Mylene kay Tulfo upang mapagbigyan ang ama niyang masugid na tagapakinig o tagapanood ng Idol ng bayan.

Nang malaman ito ni Tulfo, natuwa rin siya lalo pa nang sabihin ni Mylene na golden anniversary din ng kanyang mga magulang.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bagaman at pinaghandaaan na talaga ni Mylene ang handaan para sa kanyang mga magulang, sinagot pa rin ni Tulfo ang bonggang handaan na ginanap isang beach resort.

Walang pagsidlan ng kaligayahan si Mang Alfredo Dela Torre nang makita niya at makakwentuhan pa ang kanyang Idol Raffy.

Bakas din sa mukha ng mag-asawa ang sobra-sobrang kasiyahan sa mismong araw ng kanilang pagdiriwang ng ika-50 na anibersaryo.

Laking pasalamat nila sa kanilang anak na si Mylene na siyang gumawa ng paraan upang mapaligaya ang pinakamamahal niyang mga magulang.

Narito ang kabuuan ng video:

How well do you know the smile of your favorite Pinoy celebrity?

Tricky Questions Celebrities: Guess The Star By The Charming Smile | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel