Pinakaunang sanggol na tinamaan ng COVID-19 at naging kritikal pa ang buhay, naka-recover na

Pinakaunang sanggol na tinamaan ng COVID-19 at naging kritikal pa ang buhay, naka-recover na

- Ligtas na ang pinakaunang sanggol na tinamaan ng Coronavirus disease 2019

- Enero 26 nang makumpirmang tinamaan ito ng COVID-2019

- Nalagay pa sa kritikal na kondisyon ang buhay ng bata na inilagak na sa ICU ng ospital upang mas matutukan

- Pebrero 13 nang makalabas na ito ng Wuhan Children's Hospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakalabas na ng ospital ang 14 buwang anyos na pinakaunang sanggol na tinamaan ng Coronavirus Disease 2019.

Ayon sa xinhuanet.com, Pebrero 13 nang makumpirmang wala na talagang anumang bakas ng COVID-19 ang sanggol.

Nalaman ng KAMI na Enero 26 nang ma-admit sa Wuhan Children's Hospital.

Ito ay matapos na kakitaan ito ng sintomas ng nakamamatay na sakit.

Anim na araw itong may diarrhea at nagsusuka na rin kaya naman agad na nagsagawa ng test kung saan nagpositibo ito sa COVID-19.

Nang ito makumpirma, dinala agad ang bata sa ICU ng ospital upang mas lalo itong matutukan.

Hindi naging madali ang gamutan sa kanya lalo pa at nalagay sa kritikal na kondisyon ang bata.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Makalipas ang halos dalawang linggong gamutan, naging matagumpay naman ang health workers sa pagpapagaling sa sanggol.

Kahit na paano'y nagbigay pag-asa ang paggaling ng sanggol sa tumataas pang bilang ng namamatay dahil sa karamdamang ito.

Tinatayang nasa 1,700 na ang kumpirmadong pumanaw kabilang na rito ang anim na health workers na nahawa na lamang sa kasagsagan ng serbisyo nila sa mga pasyenteng may novel coronavirus.

1,100 ng kabuuang bilang nito ay mula mismo sa Wuhan at ang 400 ay mula sa ibang bahagi ng China.

Sa Pilipinas, kasalukuyang tatlo pa rin ang naging kumpirmadong kaso ng COVID-19 at lahat sa mga ito ay mga Chinese national na mula mismo sa Wuhan.

Ligtas na rin sa nakamamatay na sakit na ito ang pinakaunang kaso ng novel coronavirus sa bansa.

How well do you know the smile of your favorite Pinoy celebrity?

Tricky Questions Celebrities: Guess The Star By The Charming Smile | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel