'Linda' the 2nd: Video ng babaeng nanigaw at nanakit ng kapwa niya pasahero, viral

'Linda' the 2nd: Video ng babaeng nanigaw at nanakit ng kapwa niya pasahero, viral

- Usap-usapan sa Facebook ang video ng isang babae na nanigaw at nanakit ng lalaking katabi niya sa UV express

- Isang kapwa rin nila pasahero ang nakasaksi sa pangyayari at nakunan nang bahagya ang mismong ginawa ng babae sa lalaki

- Nagawa pa umanong pababain ng babae ang lalaki sa UV express na kanilang sinasakyan

- Umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang viral video na di raw nalalayo sa nangyari kay Taty Alex at Alyas "Linda" na naging kontrobersyal din noong nakaraang taon

Agaw eksena ngayon sa social media ang mga video na binahagi ng netizen na si Ash Lee kung saan nakuna niya ang ginawa ng isang kapwa niya pasaherong babae sa katabi nitong lalaki sa UV expres.

Isinalaysay ni Ash ang naganap sa pagitan ng babae at lalaking nasa unahan lamang niya.

Nagulat na lamang si Ash nang makitang kinokomppronta na ng babae ang lalaki nitong katabi na sinabi niyang tingin daw ng tingin sa kanya.

Tumaas na ang boses ng babae dahil sa naiilang na raw umano siya sa kakatingin ng lalaki.

Di nagtagal ay nanigaw at nanakit pa ang babae bago niya tuluyang pababain ang kaawa-awang lalaki/.

Maririnig din sa video na sinubukan naman ng ibang pasahero na awatin ang babae ngunit patuloy pa rin ito sa paninigaw niya sa estudyante.

Narito ang kabuuan ng video:

Samantala, walang ibang hangad ang mga netizens kundi ang mapabuti ang lagay ng maswerte lolo.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel