Anim na health workers sa China na tinamaan din ng COVID-19, pumanaw na

Anim na health workers sa China na tinamaan din ng COVID-19, pumanaw na

- Binawian na ng buhay ang anim na health workers sa China na tinamaan din ng Coronavirus 2019

- Tinatayang nasa 1700 ang kumpirmadong infected ng COVID-19 sa mga health workers sa naturang bansa

- Kakulangan di umano sa mga protective gear ang nakikitang dahilan kung bakit tumataas na ang bilang ng nahahawang health workers sa China

- 1,102 sa 1700 na tinamaan ng virus ang mula mismo sa Wuhan na episentro ng virus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Anim na ang kumpirmadong patay na health workers na tinamaan din ng Coronavirus 2019 o COVID-19 sa China.

Nalaman ng KAMI na ang kakulangan sa protective gear ng mga health workers ang nakikitang dahilan kung bakit madali nang nahawa ang mga ito sa kanilang mga pasyente.

Ayon pa sa Channel News Asia, bukod sa anim na pumanaw na ito, 1716 naman ang kumpirmadong may COVID-19 sa China.

1,102 mula sa kabuuang bilang na 1716 ay mula mismo sa Wuhan kung saan pinaniniwalaang nagmula ang nakamamatay na virus.

Sa panayam kay Zeng Yixin, vice minister at the National Health Commission, sinabi pa nitong 400 na health workers din ang kasalukuyang infected din ng COVID-19

Ayon pa sa mga awtoridad ng China, dahil sa patuloy na pagdami ng mga tinatamaan ng naturang virus, kinukulang na sila sa kagamitan at proteksyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya minsan, napipilitan na ang mga doktor at nurses na humarap sa mga pasyenteng may COVID-19 kahit na kulang ang suot nilang protective gear.

Minsan naman, napipilitan umano silang gamitin muli ang mga protective suit na kinakailangan naman talaga na laging mapalitan.

Sa ngayon, di na muling nadagdagan pa ang tatlong naging kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Ang pinakaunang pasyente pa nga sa bansa ay naka-recover habang ang ikalawa at ang kanyang kasamang dumating sa Pinas mula Wuhan China ay agad na pumanaw isang araw matapos itong maging kritikal dahil sa nakamamatay na virus.

How well do you know the smile of your favorite Pinoy celebrity?

Tricky Questions Celebrities: Guess The Star By The Charming Smile | HumanMeter

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel