Too busy in the city: Milyon-milyong single, nasa Metro Manila -research

Too busy in the city: Milyon-milyong single, nasa Metro Manila -research

- Ayon sa isang research, pinakamaraming single sa bansa ay nasa Metro Manila

- Pinakamarami sa Quezon City at sumunod ay sa Maynila at Caloocan

- Batay sa isinagawang pananaliksik, nasa 14.75 million ang bilang ng mga walang karelasyon na ang karamihan ay lalaki

- Karaniwan ay nasa kanilang 20's pero meron din namang nasa 30's na

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bida na naman ang mga hugot ngayong Araw ng mga Puso para sa maraming Pinoy na walang ka-date o "nganga" dahil zero ang kanilang lovelife.

Kanya-kanyang emote at post sa kanilang social media account ang ilan sa mga singles.

Ayon sa isinagawang pag-aaral ng ABS-CBN Investigative and Research group, pinakamaraming single sa bansa ay nasa Metro Manila.

Pinakamarami sa Quezon City na aabot sa 581,651 katao (23%), sumunod ay sa Maynila na mayroong 348,260 katao (14%) at Caloocan City na may 275,393 katao (11%).

Batay sa isinagawang pananaliksik, nasa 14.75 million ang bilang ng mga walang karelasyon na ang karamihan ay lalaki.

At karaniwang nasa kanilang 20's na may bilang na 9.87 million, ang mga walang karelasyon pero mayroon din namang nasa kanilang 30's na may bilang na 2.67 million.

Ayon sa isang single na nakapanayam ng ABS-CBN, hindi lang naman daw para sa mga may karelasyon ang Valentine's Day. Araw din daw ito para sa "self love".

Habang ang isa naman, hindi naman daw nagmamadali sa pakikipagrelasyon. Medyo sanay na raw kasi ito na walang ka-date tuwing darating ang Araw ng mga Puso.

Sa social media, patok ang "color coding" ngayong Valentine's Day. Red kung "in a happy relationship", black kung "iniwanan", white kung "pinaasa" at floral kung "hindi ipinaglaban".

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel