Raffy Tulfo, nakipagkulitan sa kanyang mga staff tungkol sa Valentine's Day

Raffy Tulfo, nakipagkulitan sa kanyang mga staff tungkol sa Valentine's Day

- Nakipagkulitan si Raffy Tulfo sa kanyang mga staff ng kanyang programa tungkol sa Valentine's Day

- Siyempre pa, inungkat ni idol Raffy ang mga relasyon ng mga ito

- Bagamat kwela ang dating nito, hindi naman pinalagpas ng batikang host ang pagkakataon para pangaralan ang mga ito tungkol sa pag-ibig

- May mariin din itong paalala sa marami lalo na sa mga kababaihan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Game na game na nakipagkulitan ang broadcast journalist at "idol" ng marami na si Raffy Tulfo sa kanyang mga staff tungkol sa darating na Valentine's Day.

Siyempre pa, hindi rin nito pinalagpas ang pagkakataon na ungkatin ang mga kasalukuyang relationship status ng mga ito.

Ang ilan sa mga kasama ni idol ay napag-alamang masaya sa kanilang mga relasyon.

Ngunit mayroon din naman daw "nganga" tulad ng kilalang co-host ni Tulfo na si Sharee.

Bagamat kwela ang dating nito, hindi naman pinalagpas ng batikang host ang pagkakataon para pangaralan ang mga ito tungkol sa pag-ibig.

May mariin din itong paalala sa marami lalo na sa mga kababaihan pagdating sa pagiging "intimate" sa mga kasaintahan.

Madalas kasing sabihin ni idol Raffy na mag-ingat pagdating sa mga "request" ng kanilang karelasyon na kadalasan ay ginagamit para makapang-abuso.

Samantala, marami namang netizens ang natuwa sa pakikipagkulitan ni idol Raffy sa kanyang mga staff.

"Ayos yan idol,kahit busy trabaho khit papanu ngkakaroon parin kau nh time para s mga staff mo mgbonding tawanan,biruan...Godbless."
"Haha. Nakakagood vibes si Idol Raffy!"
"Sir Raffy Idol, Salamat poh sa payo and Happy valentines poh at sa mga staff nyo poh."
"Ang buti nyo po sa mga staff nyo ,,,God blez po,,,sana ,,mka punta ako dyan pg uwi ko gusto ko talaga kita mkita idol."
"Ang saya lang idol Raffy."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel