"Satisfied Misis", may tip sa mga kababaihan sa pagpili ng Mr. Right

"Satisfied Misis", may tip sa mga kababaihan sa pagpili ng Mr. Right

- Hindi sukatan ang pagiging "rich guy" para piliin ng mga kababaihan ang isang lalaki na kanilang pakakasalan

- Ito ang tip ng isang misis sa kanyang blog na nagbibigay ng inspirasyon sa maraming "Eba"

- Ayon sa isa sa mga blog nito, nagpapasalamat siya na mas pinili niya ang lalaking kaya siyang mahalin at pahalagahan hanggang sa huli

- Hindi rin daw dapat na matakot ang isang babae na magmahal ng lalaking nagpupursige pa lamang sa buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi raw sukatan ang pagiging "rich guy" ng isang lalaki para piliin ito kumpara sa isang lalaking, sabi nga ng iba ay "hindi kayamanan."

Ayon sa isang blog ng isang misis sa kanyang website na "Tipid Mommy", nagpapasalamat siya na mas pinili niya ang lalaking kaya siyang mahalin at pahalagahan hanggang sa huli.

"Though he is not a millionaire, His God is a Great Provider, Generous Dad and Faithful Father. "

Sabi pa nito, hindi raw dapat na matakot ang isang babae na piliin ang isang lalaking "work in progress" pa lang.

Dahil ang magandang bahay at malaking savings account ay pangalawa lang sa loob ng reyalidad ng isang kasal.

Kaya naman tip nito sa mga kabataan, piliin ang lalaking kayang magpaka-tatay, faithful at higit sa lahat ay iyong mapagkakatiwalaan.

"Someone who prioritizes you over anything else.
"Someone who shares the load of parenting with you..
"Someone who can make you laugh when life is heavy and hard.
"Someone who can see your worth and makes you feel like he won the jackpot by the way he looks at you..
"Someone who will cheer you on your passion..
"Someone who is bold enough too to correct you when you’re wrong.. "

Pero paglilinaw nito, hindi rin naman masama na magmahal ng isang lalaking mayaman at stable. May mga "rich guy" pa rin namang maayos ang buhay at mabuting asawa sa kanilang mga misis.

Nakalulungkot lang isipin na kadalasan, mas nananaig na ang pagiging praktikal ng marami kaysa sa kung ano ang mas importante sa isang relasyon.

"Money is just a tool, a good tool to provide for the needs and wants of the family but money is not everything. Indeed there’s no price tag to a happy family – only God at the center is the key.

"Don’t be afraid to marry a work in progress man," sabi pa nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel