Bats for sale: Wildlife market sa Indonesia dinadayo pa rin

Bats for sale: Wildlife market sa Indonesia dinadayo pa rin

- Wala raw epekto sa negosyo ang novel coronavirus ayon sa ilang nagtitinda ng mga paniki at iba pang exotic food sa Indonesia

- Ito ay sa kabila ng pangamba ng buong mundo sa mabilis na pagkalat ng COVID-19 na nag-ugat sa isang wildlife market sa Wuhan, China

- Maging ang pakiusap ng gobyerno ng Indonesia ay wala ring epekto sa ilang negosyante at turista roon

- At ayon pa nga sa mga ito ay hindi rin apektado ang kanilang kita at tuloy-tuloy pa rin ang pagdayo ng mga turista

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kabila ng mainit na isyu sa novel coronavirus sa buong mundo, wala raw itong epekto sa negosyo ang ayon sa ilang nagtitinda ng mga paniki at iba pang exotic food sa Indonesia.

Ayon sa isang ulat ng PhilStar, tuloy pa rin ang pagtitinda ng paniki, daga, ahas at iba pang exotic na pagkain sa Tomohon Extreme Meat market sa Sulawesi Island.

Matatandaang nauna nang naiulat na tila may koneksyon ang pagkain ng paniki sa pagkakaroon ng COVID-19 ng mga biktima nito sa Wuhan, China kung saan ito nagsimula.

Maging ang pakiusap ng gobyerno ng Indonesia na huwag munang isama sa kanilang menu ang paniki at iba pang wildlife ay wala ring epekto sa ilang negosyante at turista roon.

"We're also urging people not to consume meat from animals suspected to be carriers of a fatal disease," ayon kay Ruddy Lengkong, head ng government trade and industry agency sa nasabing lugar.

Pero ayon pa nga sa negosyante roon, hindi rin apektado ang kanilang kita at tuloy-tuloy pa rin ang pagdayo ng mga turista na "curious" sa kanilang mga inihahain.

"I'm selling between 40 and 60 kilograms every day," ayon sa isang vendor. "The virus hasn't affected sales. My customers still keep coming."

Sabi naman ng isang restaurateur na si Lince Rengkuan, ang sikreto sa kanilang itinitinda ay kung paano nila itong inihahanda para sa kanilang mga customer.

Isa ang kanilang restaurant sa nagluluto ng paniki, kasama ang mga ulo at pakpak ng mga ito na hinahaluan ng mga spices.

"If you don't cook the bat well then of course it can be dangerous," sabi pa ni Rengkuan. "We cook it thoroughly and so far the number of customers hasn't gone down at all."

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang naiuulat ng kumpirmadong kaso ng novel coronavirus sa Indonesia.

Umabot na sa mahigit 1,300 na kaso ang naiulat na nasawi dahil dito.

Narito ang isa pang ulat kaugnay nito mula sa South China Morning Post:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel