Tindero sa kalsada, sugatan matapos palayasin sa pwesto niya at itapon ang paninda

Tindero sa kalsada, sugatan matapos palayasin sa pwesto niya at itapon ang paninda

- Tampok sa social media ang kwento ng isang netizen nang makita niya ang isang tindero na hinahabol

- Ayon sa netizen, hinahabol ang tindero dahil sa pagtitinda nito sa kalsada at natapon pa ang paninda niya

- Bukod sa natapong paninda ay nagkasugat din ang tindero at nasira pa ang damit na suot niya

- Maging ang mga netizens ay naawa rin sa sinapit ng lalaking tindero nang pwersahang paalisin ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ikinuwento ng isang netizen ang sinapit ng isang lalaking tindero sa kalsada matapos itong pwersahang pinaalis sa pwesto niya.

Nalaman ng KAMI na ayon sa netizen, nadapa pa ang lalaki at kinuha ang mga paninda niya.

Ibinahagi ng netizen na si Alexandra Santos na nakita niya ang lalaki na tumatakbo at may sasakyan na nakasunod sa kanya.

“’Yun pala nang huhuli sila nung mga nag bebenta ng gulay sa kalsada. Grabee nadapa si tatay tapos nawarak po yung damit nya! Kinuha yung mga paninda nya,” kwento ni Alexandra.

Labis naman ang awa ng netizen kay tatay dahil pwede naman daw na dinaan na lang ito sa mabuting usapan.

“Grabee kau mamang ng huhuli ‘di na kayo naawa kinuha nyo na nga yung paninda ni tatay tapos nakasakit pa kayo!” sabi ni Alexandra.

“Naghahanap buhay sila ng marangal para sa mga anak nilang nag aaral at pinapakain!” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, naawa rin ang mga netizens sa sinapit ni tatay nang mahuli siya at matapon ang mga paninda niya. Narito ang ilang mga komento nila sa Facebook post:

“Kawawa nmn natapon lahat ung okra at luya nya nasugat pa.”
“Kakaawa naman po c tatay naghanap buhay lng ung tao eh??”
“Grabe sobrang sakit na ng mga nagyayari sa mga mahihirap masyado na minamaliit”

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel