Pinay at British niyang asawa, matatag ang relasyon kahit LDR at magkalayo ang edad

Pinay at British niyang asawa, matatag ang relasyon kahit LDR at magkalayo ang edad

- Nagkarelasyon ang isang 23 anyos na Pinay at ang 71 anyos na British na lalaki matapos nilang magkakilala sa social media

- Hindi nagtagal ay nagpakasal sila at nagkaroon din sila ng isang anak na babae

- Kahit na 48 years ang pagitan ng edad nila ay hindi naging hadlang ito para sa pagmamahalan nila

- Sila ay nasa long distance relationship (LDR) din dahil bumalik ang lalaki sa bansa niya at nagkikita lang sila kapag bakasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang Pinay ang nakapangasawa ng British na lalaki at hanggang sa ngayon ay matatag pa rin ang kanilang pagsasama.

Nalaman ng KAMI na kahit magkalayo ang edad nila at nasa long distance relationship (LDR) ay nananatili pa ring matibay ang pagmamahalan nilang dalawa.

Pinay at British niyang asawa, matatag ang relasyon kahit LDR at magkalayo ang edad

Photo from The Life Feed
Source: Facebook

Ayon sa ulat ng The Life Feed, si Lorie ay 23 anyos at si Thomas naman ay 71 taong gulang. Nagkakilala silang dalawa sa Facebook noong 2014.

Hindi nagtagal ay nahulog na ang loob ni Thomas kay Lorie at nagpasya silang magkita ng personal noong nag-birthday si Lorie.

Kahit na 48 na taon ang pagitan ng edad nila, nagpakasal pa rin sila noong 2015. Matapos ang isang taon ay nagkaroon na sila ng anak na si Mary.

Subalit, sila ngayon ay LDR dahil si Thomas ay bumalik sa bansa niya at naiwan naman si Lorie sa Pinas kasama ang anak nila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kahit na umaalis siya ng bansa, bumabalik naman si Thomas ng Pinas para magbakasyon at makasama ang pamilya niya sa loob ng limang buwan.

Tila hindi naging hadlang kay Lorie at Thomas ang malayong agwat ng edad nila at ang tumira sa magkabilang parte ng mundo upang mapanatili ang pagmamahal nila sa isa’t-isa.

Pinay at British niyang asawa, matatag ang relasyon kahit LDR at magkalayo ang edad

Photo from The Life Feed
Source: Facebook

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel