Video ng mga binatilyong pinagtripang sunugin ang mga lobo ng tindero, viral

Video ng mga binatilyong pinagtripang sunugin ang mga lobo ng tindero, viral

- Viral ang video ng kaawa-awang tindero ng lobo na nasunog dahil lamang sa pagti-trip ng ilang mga binatilyo

- Kitang-kita sa video kung paano sinindihan ng nasa tatlong lalaki ang mga panindang lobo at mabilis na kumalat ang apoy

- Iyon pala, nakatago sa mga lobo ang vendor na noo'y nagpapahinga lamang

- Nasunog din ang kanyang katawan dahil sa nakatali sa kanyang braso ang mag lobo

- Maraming netizens ang naglabas ng kanilang saloobin sa sinapit ng walang kalaban-laban na tindero ng lobo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena ngayon sa social media ang video mga binatilyong pinagtripang sunugin ang mga lobong paninda ng isang lalaki sa Zamora street, sa Pandacan Manila.

Binahagi ng netizen na si Allesandra Trinidad kung saan kitang-kita kung paano basta na lamang sinindihan ng nasa tatlong lalaki ang mga lobo.

Matapos nila itong sindihan at magliyab ang mga lobo, sabay takas at takbo ang mga ito.

Ang masaklap pa nito, nakatago pala ang tindero sa mga lobo na noo'y nagpapahinga lamang.

Pati tuloy ang kawawang tindero ay nadamay sa sunog lalo pa at nakatali ang mga lobo sa kanya.

Mabilis na nasunog ang mga lobo na sa isang iglap lang ay parang mga nasunog na plastik na lamang ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagngitngit sa galit ang mga netizens na nakapanood ng video. Hindi makatarungan ang ginawa ng mga binatilyo sa taong naghahanapbuhay ng marangal at maayos.

Ang masakit pa nito, nangyari ang pagsusunog kung kailan pansamantalang namamahinga ang tindero. Nagtamo ito ng mga sunog sa balat dahil sa pangyayari.

Hiling din ng mga netizens na mahuli ang mga binatilyong gumawa nito upang maturuan ng leksyon at di na maulit ang gawaing ito.

Narito ang kabuuan ng video na mayroon nang mahigit 4 million views:

How well do you know the smile of your favorite Pinoy celebrity?

Tricky Questions Celebrities: Guess The Star By The Charming Smile | HumanMeter

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel