Komento kay Marcelito Pomoy sa AGT, "edited at peke" ayon sa isang kritiko

Komento kay Marcelito Pomoy sa AGT, "edited at peke" ayon sa isang kritiko

- Isang reaction video ang viral ngayon tungkol sa di umano'y pagmamanipula ng America's Got Talent sa nais nila talagang mangyari sa programa

- Ayon pa sa kritiko, edited na umano ang reaksyon ni Simon Cowell sa semi-finals at finals night na parehong-pareho

- Mapapansin daw ito sa mga damit na suot ng mga judges na naiba maliban kay Simon at maging ang reaksyon ni Marcelito ay tila taliwas sa sinabi ni Simon

- Naging usap-usapan din ang di umano'y pagtatanggal mismo ng video ng performance ni Marcelito sa official page ng AGT

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan ngayon ang reaction video ng "John and Lulu show" sa YouTube kung saan ibinunyag nila ang di umano'y pagmamanipula ng ilang eksena sa America's Got Talent kung saan kasali ang ating pambato na si Marcelito Pomoy.

Ayon kay John, isa sa mga host ng programa, pinag-aralan niyang mabuti ang video na sinasabi niyang "edited at fake" na dahil nakita na niya umano ito sa mga nauna pang performance ni Marcelito.

Ito ay ang bahagi kung saan nagbigay ng komento si Simon Cowell tungkol sa performance ni Marcelito sa semi-finals at finals.

Kapansin-pansin nga namang pareho ang damit doon ni Simon at ang pinaka nakapagtaka ay ang pareho niyang reaksyon sa pambato ng Pilipinas.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

May bahagi pa nga roon na naiba ang suot ng katabi niya nang mahagip ang braso nito habang nagbibigay ng komento si Simon.

Tila hindi rin daw tumugma ang emosyon ni Marcelito matapos na magbigay ng maganda namang komento si Marcelito.

Hinamon pa umano ng kritiko na maaring ang mga netizens mismo ang mag-imbestiga sa mga pangyayari lalo pa at kalat naman na sa YouTube ang mga videos ng performance ni Marcelito.

Narito ang kabuuan ng episode na ito ng "John and Lulu show"

Samantala, naging usap-usapan din ang di umano'y pag-aalis ng video ni Marcelito sa official page ng AGT na ikinagulat ng marami niyang fans.

Sa kabila ng mga pangyayaring ito, nanatili pa ring positibo si Marcelito at kinakitaan pa rin siya ng kababaang loob.

How well do you know the smile of your favorite Pinoy celebrity?

Tricky Questions Celebrities: Guess The Star By The Charming Smile | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel