Ex-employee ng ABS-CBN, may akusasyon laban sa Kapamilya network

Ex-employee ng ABS-CBN, may akusasyon laban sa Kapamilya network

- Viral ngayon ang post ng dating empleyado ng ABS-CBN na naglabas ng saloobin ukol sa kontrobersyal nitong pagsasara

- Pinakita pa niya ang mga larawan ng kanilang mga hinaing noon bilang empleyado ng naturang isatasyon sa telebisyon

- Nabanggit pa nitong tila maswerte pa rin ang mga empleyado ngayon ng kompanya dahil sa halos nabigyan pa ang mga ito ng isang taon upang paghandaan ang posibilidad na ipasara na nga ito

- Umani ng iba't ibang reaksyon ang viral post na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging usap-usapan ang post ng nagpakilalang dating empleyado ng ABS-CBN na si Christopher Mendoza.

Binahagi ni Christopher ang mga larawan kung saan nagsagawa sila ng protesta laban sa malaking TV network company dahil umano sa biglaang pagkakasibak sa kanila sa trabaho.

Hunyo 2010 nang maganap ang protestang ito na dinaluhan ng mahigit 100 mga empleyado na ipinaglaban ang kani-kanilang karapatan laban sa ABS-CBN.

Halos pareho lamang daw ang sitwasyon noon at ngayon at masasabing maswerte pa rin nga ang mga empleyado ngayon dahil halos isang taon silang nabigyan ng tsansa an makapagisip-isip gayung naging maugong noon pa man ang pagsasara ng naturang kompanya.

Sa isa sa mga larawang binahagi ni Christopher, makikita ang "ABS-CBN anti-labor" at sa ibaba nito ay ang mga di makataong akusasyon sa kompanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil dito, umani ng iba't ibang reaksyon ang viral post na ito at tila naki-simpatya sa saloobin ni Christopher.

Nitong nagdaang taon, hayagang sinasabi ni Pangulong Duterte na hindi niya hahayaang makapag-renew ng prangkisa ang ABS-CBN.

Nakatakdang ma-expire ang kanilang prangkisa sa katapusan ng Marso at kasalukuyang nahaharap ang TV network sa isang malaking kontrobersya.

Narito ang kabuuan ng post:

How well do you know the smile of you favorite Pinoy celebrity?

Tricky Questions Celebrities: Guess The Star By The Charming Smile | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel