Newborn baby, nagpositibo sa coronavirus ilang oras matapos itong isilang

Newborn baby, nagpositibo sa coronavirus ilang oras matapos itong isilang

- Isang bagong silang na sanggol sa Wuhan ang nagpositibo sa novel coronavirus, 30 oras matapos itong isilang

- Napag-alamang bago pa man ito isilang ay apektado na ng coronavirus ang nanay nito

- Ayon sa mga ulat, hindi pa sigurado kung paano nakuha ng sanggol ang virus

- Mayroon nang naunang ulat ukol sa mga bagong silang sanggol na isinilang ng mga nanay na positibo sa coronavirus ngunit ngayon lang may kaso ng katulad nito

- Ang sanggol ang naitalang pinakabatang biktima ng coronavirus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang bagong silang na sanggol sa Wuhan ang nagpositibo sa novel coronavirus, 30 oras matapos itong isilang ng kanyang ina.

Napag-alamang bago pa man ito isilang at apektado na ng coronavirus ang nanay nito.

Ayon sa isang ulat ng BBC News, hindi pa sigurado kung paanong nakuha ng sanggol ang virus.

Ilang medical experts ang nagsabi posibleng nakuha na ito ng sanggol sa loob ng sinapupunan ng ina nito ngunit mayroon din namang nagsabi na maaaring nakuha ito ng bata nang maipanganak na.

"This reminds us to pay attention to mother-to-child being a possible route of coronavirus transmission," ayon sa chief physician ng Wuhan Children Hospital's neonatal medicine department na si Zeng Lingkong sa isang ulat ng Reuters.

"It's quite possible that the baby picked it up very conventionally - by inhaling virus droplets that came from the mother coughing," sabi naman ni Stephen Morse, isang epidemiologist sa Mailman School of Public Health at Columbia University sa isang ulat ng Business Insider.

Mayroon nang naunang ulat ukol sa mga bagong silang sanggol na isinilang ng mga nanay na positibo sa coronavirus ngunit ngayon lang may kaso ng katulad nito.

Batay sa mga lumabas na ulat, iilan lamang ang apektadong bata ng coronavirus maging ng SARS at MERS.

Mga edad 49 hanggang 56 taong gulang ang karaniwang biktima ng panibagong outbreak na ito.

Ayon naman sa ulat ng BBC News, ipinanganak ang sanggol noong February 2 sa Wuhan kung saan nagmula ang virus na ito.

Kasalukuyang nasa stable na kondisyon na ang bata ngunit inoobserbahan pa rin. Ang sanggol ang naitalang pinakabatang biktima ng coronavirus.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel