Construction worker na walang pamasahe dahil di pinasasahod, umantig sa puso ng netizens

Construction worker na walang pamasahe dahil di pinasasahod, umantig sa puso ng netizens

- Viral ang post tungkol sa isang kaawa-awang construction worker na nakiusap sa jeep na makisakay dahil wala siyang pamasahe

- Hindi raw pumayag ang jeep ngunit isang pashero ang nagmalasakit na ibayad siya

- Nalaman ng kapwa niya pasahero na hindi pa raw pala pinasasahod ang construction worker kaya wala siyang pamasahe maging pangkain

- Nadurog ang puso ng mga netizens at hangad nila na mapasahod na ng maayos ang lalaking ito na higit na mas mahirap ang trabaho kaysa sa mga taong magpapasahod sana sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang nakakadurog ng pusong post ng netizen na si Na Lyn tungkol sa nakasakay niya sa jeep na isang construction worker.

Kwento ni Nalyn, nakiiusap daw umano ang lalaki kung pwede siyang makisakay sa jeep at aminado itong walang pamasahe.

Hindi pumayag ang driver ng jeep ngunit dahil naawa si Nalyn, pinasakay niya ang lalaki na isang construction worker.

Nagpasalamat sa kanya ang lalaki at doon nalaman niyang di pa pala ito pinasasahod kaya maging pamasahe ay wala na siya.

Kung doon daw siya sa kanilang baraks mamalagi, mas mapapalaki raw ang kanyang gastos dahil sa mas mahal ang pagkain sa canteen doon.

Nadurog ang puso ni Nalyn nang malaman ito. Kinuha rin niya ang ID ng lalaki upang makarating ito sa kinauukulan at matulungan ang mga trabahador na tulad niyang di raw umano pinasasahod sa tamang oras.

Dalawang linggo na raw pabalik-balik ang construction worker ngunit wala pa rin itong napapala.

Maging ang ID nila para sa construction site ay kinuha daw ng kompanya upang di raw ang mga ito makapagreklamo.

Dahil dito, maging ang mga netizens ay naglabas ng saloobin ukol sa pangyayaring ito na labis na hindi makatarungan para sa construction worker.

Higit na mahirap ang mga trabaho nito kaysa sa mga taong dapat na nagpapasahod sa kanila.

Maging ang driver na hindi nagpasakay sa construction worker ay nabatikos. Nagsabi raw kasi ng maayos ang lalaki ngunit di ito pinayagan na sana'y tulong na niya rito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Mga walang puso hindi na naawaa...mga pasahod po ninyo ayusin nyo...dna bago kayo naging mayaman galing nmn po kayo sa hirap..mga walang puso..."
"Makapal ang Mukha ng Mga company na ganyan. Ang gusto lng kumita cla...ung mga workers nla and familia nag susuffer."
"God Bless u Tatay, Sana po maraming makatulong sa inyo jan"
"Madami ganyan mga taong walang puso pero nabubuhay"
"After pakinabangan ung mga taohan pagdating ng pasahod hold nila maigi sana kung di kumakain at namamasahi ung mga tauhan nila ok lng kaso nganga my pamilya pa naantay kung my sahod nadala pag uwi ung asawa ay Nko nkakabwisit lng"
"Godbless sau ate..at Kay tatay kawawa nmn sya"

How well do you know the smile of you favorite Pinoy celebrity?

Tricky Questions Celebrities: Guess The Star By The Charming Smile | HumanMeter

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel