2 binata sa New York, gumawa ng prank na natapon ang coronavirus sa tren

2 binata sa New York, gumawa ng prank na natapon ang coronavirus sa tren

- Dalawang binata ang sumakay ng tren sa New York habang nakasuot ng hazmat suits at may bitbit na isang container

- Nagkunwari ang isa sa kanila na nadulas kunwari para matapon ang nasa loob ng container na pinaghihinalaang Corona Virus Disease (COVID-19)

- Matapos ang eksena ay agad namang inamin ng dalawang binata na prank lang ang ginawa nila

- Nagpaalala naman ang awtoridad sa New York na hindi dapat ginagawang katatawanan ang COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Gumawa ng prank ang dalawang lalaki sa loob ng tren sa New York habang sila ay nakasuot pa ng hazmat (hazardous material) suit at may bitbit na container.

Nalaman ng KAMI na habang nasa loob ng tren ang dalawang lalaki ay itinapon nila ang nasa loob ng container.

Ayon sa ulat ng New York Post, ang dalawang lalaki ay pinangalanang si David Flores na 17 anyos at si Morris Cordewell na 19 taong gulang.

“I hope that’s Kool-Aid,” sabi ng isang pasahero sa tren.

“Is that coronavirus?” tanong naman ng isang pasahero.

Nagkunwari ang isa na nadulas sa sahig kaya natapon ang laman nito. Agad naman sila sumigaw ng “It’s a prank! It’s a prank!” para mabigyang kaalaman ang mga pasahero kahit na ang iba sa mga ito ay nahulaan na kaagad na prank ito noong simula pa lang.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, nagbigay babala ang chairman ng Metropolitan Transportation Authority (MTA) na si Pat Foye na hindi dapat ginagawang katatawanan ang Corona Virus Disease (COVID-19).

“Given the environment, putting on hazmat suits and getting on the subway and, frankly, walking the streets of New York is an irresponsible thing to do,” giit ni Foye.

“That kind of pranking during this particular point in time is offensive and could be dangerous,” dagdag naman niya.

Mapapanood ang prank ng dalawang binata rito:

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel