Tricycle driver, nag-viral dahil sa pagkakahawig kay NBA legend Kobe Bryant

Tricycle driver, nag-viral dahil sa pagkakahawig kay NBA legend Kobe Bryant

- Isang tricycle driver sa Isabela ang trending ngayon sa social media dahil kahawig niya umano ang NBA legend na si Kobe Bryant

- Nakilala ang tricycle driver bilang si Leovic Panganiban na mahilig din maglaro ng basketball noong bata pa lang siya

- Bukod sa pagkakahawig nila ay mapagmahal din na asawa at ama si Leovic katulad ni Kobe

- Samantala, ilan mga netizens nga ang agree at natuwa sa pagkakahawig ng Pinoy sa namayapang basketball player

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Trending ngayon sa social media ang isang tricycle driver sa Isabela dahil sa pagkakahawig umano nito kay NBA legend Kobe Bryant.

Nalaman ng KAMI na ang lalaki na ito ay si Leovic Panganiban at talagang idolo rin niya ang namayapang basketball player.

Ayon sa ulat ni Oscar Oida ng GMA News, mahilig na maglaro ng basketball si Leovic noong bata pa lamang siya. Nagkaroon din siya ng injury noon dahil sa paglalaro pero naniniwala pa rin siya na “ball is life."

"Pinatigil ako maglaro ng tatay ko pero nagba-basketball pa rin ako 'pag tinatawag ng tropa,” kwento ni Leovic.

Bukod sa pagkakahawig ng kanilang mukha at hilig nila sa basketball, hindi rin maipagkakaila ang pagkakaparehas ni Leovic at Kobe sa pagiging mabuting asawa at ama sa mga anak nila.

Labis din ang lungkot ni Leovic nang malaman niyang pumanaw na si Kobe kasama ang anak nitong si Gianna Bryant sa isang helicopter crash.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, ilang mga netizens din ang agree na kahawig nga ni Leovic si Kobe. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook post ng GMA News:

“Baka reincarnation nya si Kobe. Muling nabuhay Pilipino naman diba,cheer up!”
“Baka ma in love sa iyo ang asawa ni kobe bryan kung makita ka..eh di jackpot”
“Tayu lang niluko buhay pala si kobe”
“Kamukha nga oh.”

Kamakailan nga lang ay naibalita ng KAMI na naihatid na sa huling himlayan ang mga labi ni Kobe at Gianna matapos ang trahedyang nangyari.

Si Kobe Bryant ay isang sikat na NBA basketball player ng Los Angeles Lakers. Noong 2016 ay nagretiro na ito sa NBA at mas piniling makasama ang pamilya niya.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel