'Blind balladeer' sa viral video, inimbitahan ni Ellen DeGeneres sa kanyang talk show

'Blind balladeer' sa viral video, inimbitahan ni Ellen DeGeneres sa kanyang talk show

- Matapos na mag-viral ang kanyang video, inimbitahan si Carl Malone Montecido Sa Ellen De Generes show

- Nakunan umano si Carl na kumakanta ng "Too good at goodbyes" ni Sam Smith

- At maging ang orihinal na singer ng kanyang kinanta ay kanyang napahanga sa kanyang husay at galing sa pag-awit

- Maaalalang naging kalahok na rin si Carl ng Tawag ng Tanghalan kung saan marami na rin siyang napabilib sa husay ng kanyang pag-awit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inimbitahan ng sikat nga talk show host na si Ellen DeGeneres si Carl Malone Montecido sa kanyang programa.

Ito ay matapos na umagaw ng pansin sa social media ang video ni Carl na kumakanta sa isang mall gamit ang mga videoke microphone sampler.

Marami ang napabilib ng tinaguriang "blind balladeer" na ito. Sa kabila kasi ng kanyang kapansanan ay nabiyayaan naman siya ng napakagandang boses.

Katunayan, maging si Sam Smith na orihinal na singer ng "Too Good at goodbyes" na kinanta ni Carl sa mall ay humanga rin sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Excited si Carl dahil level up talaga ang kanyang performance at lilipad pa siya patungo sa Amerika upang mapaunlakan lamang si DeGeneres.

Dahil dito, umaasa ang mga netizens na sana'y mabisita rin ni Sam Smith si Carl habang ito ay nasa Amerika nang maka-duet na rin niya ito.

Maaalalang sumali na rin si Carl sa Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime dahil sa angking galing niya sa pagkanta.

Narito ang tweet ng international singer na si Sam Smith patungkol kay Carl:

How well do you know the smile of your favorite Pinoy celebrity?

Tricky Questions Celebrities: Guess The Star By The Charming Smile | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel