Grab driver, may nakakaiyak na rason kung bakit niya nililibre ng sakay ang mga PWD

Grab driver, may nakakaiyak na rason kung bakit niya nililibre ng sakay ang mga PWD

- Isang kwento ng Grab driver ang umantig sa puso ng mga netizens sa social media

- Kwento ng isang netizen, nagbibigay daw ng libreng sakay ang Grab driver para sa mga persons with disabilities (PWD)

- Sabi ng Grab driver, ginagawa niya raw ito dahil sa blessing na natanggap niya para sa anak niya

- Ang kabutihang ito ay pasasalamat ng Grab driver para sa mga tulong na natanggap niya noon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang netizen ang nagbahagi ng kwento ng Grab driver na nasakyan niya noong ika-8 ng Pebrero.

Nalaman ng KAMI na nagulat ang netizen nang makita niya ang isang sign sa kotseng sinakyan niya.

Ayon sa Facebook post ng netizen na si Sei Grospe, libre ang sakay ng mga person with disabilities (PWD) sa Grab driver.

“Sabi niya sa kanya lang daw yun. Tinanong ko reason bakit may ganun syang promo sa mga PWD,” kwento ni Sei.

Ibinahagi naman ng Grab driver ang rason kung bakit siya nagbibigay ng libreng sakay sa mga PWD. May sakit daw ang anak niya noong 9 na buwan pa lamang ito. Umabot sa P300,000 ang nagastos nila at naging matagumpay ang operasyon nito.

“Around 300K daw nagastos nila para sa operation. Thankful lang sya kasi hindi siya pinabayaan ni Lord sa paghanap ng pera and successful din ang operation ng anak niya. Ngayon 5 years old na anak niya and healthy na,” sabi ni Sei.

“Blessed sya kaya binabalik lang din daw nya sa mga nangangailangan. 3 years na siyang grab driver and sobrang nabless ako sa story niya kaya gusto ko ishare sa inyong lahat,” dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging ang mga ntetizens ay natuwa sa rason ng Grab driver at kabutihan nito. Narito ang kanilang mga komento sa Facebook:

“I really appreciate that gesture kasi not everyone is kind enough to offer help. My hubby is a pwd but never did i encounter such generous soul to pwds. Kudos to kuya grab driver. God bless him more.”
“Grabe yan si Kuya! May God bless him even more!!!”
“God bless his heart”
“Bait ni kuya. May kapatid din ako PWD. Hindi lahat kagaya nya.”

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel