Tatlong batang magkakapatid, nakitaang may kakaibang kanser

Tatlong batang magkakapatid, nakitaang may kakaibang kanser

- Nagkaroon ng hindi pangkaraniwang kanser ang tatlong batang magkakapatid sa Atlanta

- Ayon sa ibang ulat, nakuha nila ang kanser na ito mula sa nanay nila na nagkaroon din nito noong bata pa lang siya

- Sa ngayon ay cancer-free na ang nanay nila, pero ang mga anak niya ay sumasailalim pa rin sa chemotherapy

- Kahit na matindi ang pinagdadaanan sa buhay ay nananatiling positibo pa rin ang buong pamilya nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tatlong magkakapatid na lalaki ang nakitaan ng mga doktor ng kakaibang kanser sa murang edad pa lamang.

Nalaman ng KAMI na ang mga bata ay may retinoblastoma, isang bihirang kanser sa mata na karaniwang nakukuha ng mga bata bago ang edad na 6.

Ayon sa ulat ng CNN Philippines, si Angie at Aaron Rush ay may tatlong anak. Si Tristen na 5 anyos, si Caison na 3 anyos, at si Carter na 7 buwan pa lamang.

"It was a shock and it was a surprise. It was very emotional. It's hard to handle sometimes," sabi ni Angie.

“But they are such a blessing,” dagdag pa nito.

Noong bata pa lamang si Angie ay nagkaroon din siya ng retinoblastoma. Sinabihan na ng mga doktor noon si Angie na malaki ang tyansa na mamana ito ng mga anak niya. Subalit, hindi naman niya inaasahang ang tatlong anak niya ang makakakuha nito.

Apat na buwan pa lang si Tristen nang malamang may kanser siya. Si Caison naman ay nagpositibo sa kanser noong ipanganak pa lang siya. Samantala, si Carter ay ipinanganak na walang kanser at noong anim na buwan na ito ay nakitang may dalawang tumor siya sa mata.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa ngayon ay cancer-free na si Angie. Sumasailalim naman ang mga anak niya sa chemotherapy, laser treatments, MRIs at mga check-up sa Children’s Hospital ng Antlanta.

"They still go for checkups and they go for MRIs and they're watched closely by the doctors,” kwento ni Angie.

"It's made them stronger. It's something that they can talk to other people about and encourage other kids with cancer just to give them strength and be a blessing to others,” dagdag niya pa.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel