Bong Go: Pres. Duterte, walang kinalaman sa quo warranto vs. ABS-CBN

Bong Go: Pres. Duterte, walang kinalaman sa quo warranto vs. ABS-CBN

- Naglabas ng pahayag si Sen. Bong Go ukol sa diumano’y kinalaman ni Pangulong Rodrigo Duterte sa quo warranto laban sa ABS-CBN

- Giit ni Sen. Go, ang paghahain ng quo warranto ay sariling desisyon ni Solicitor General Jose Calida

- Sinabi rin ng Malacañang na walang kinalaman si Pangulong Duterte sa quo warranto na ito

- Hanggang sa ngayon ay pending pa rin ang franchise renewal ng ABS-CBN sa Kongreso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagkomento si Senator Christopher “Bong” Go sa diumano’y kinalaman ni Pangulong Rodrigo Duterte sa inihaing quo warranto petition ng Solicitor General laban sa ABS-CBN.

Nalaman ng KAMI na ayon kay Sen. Go, wala naman daw kinalaman ang Pangulo sa quo warranto na ito.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, madiin ding sinabi ni Sen. Go na ang paghahain ng quo warranto ay sariling desisyon ng Solicitor General.

"Si Calida, may sariling pag-iisip 'yan and the President has nothing to do with the quo warranto," giit ni Sen. Go.

Samantala, sinabi rin ng Malacañang na hindi umano iniutos ni Pangulong Duterte ito kay Calida.

"He did not say anything. He does not interrupt with the work of his officials," paliwanag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naunang naibalita ng KAMI na naghain ng quo warranto si Solicitor General Jose Calida laban sa ABS-CBN. Naglabas din ng pahayag ang network at itinanggi ang mga paratang laban sa kanila.

Matatandaang ilang beses nagbanta si Pangulong Duterte na tututulan niya ang pagre-renew ng ABS-CBN ng prangkisa nila na nakatakdang mag-expire sa darating na Marso. Hanggang sa ngayon ay pending pa rin ang renewal ng ABS-CBN sa Kongreso.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions Celebrities: Guess The Star By The Charming Smile. How well do you know the smile of your favorite Pinoy celebrity? – on KAMI HumanMeter Youtube Channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel