Mga labi nina Kobe Bryant at anak na si Gianna, naihatid na sa huling himlayan

Mga labi nina Kobe Bryant at anak na si Gianna, naihatid na sa huling himlayan

- Nailibing na ang mga mga labi ng mag-amang sina Kobe Bryant at anak na si Gianna noong Pebrero 7

- Ito ay sa kahilingan ng kanyang pamilya na maging pribado lamang ang seremonya

- Isang public memorial ang gaganapin sa Pebrero 24 sa Staples Center sa Los Angeles, California

- Naglabas naman ng saloobin ang misis ng NBA legend na labis paring nagdadalamhati sa biglaang pagkamatay ng kanyang mag-ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naihatid na sa huling hantungan ang mga labi ng mag-amang sina Kobe Bryant at ang anak nito na si Gianna noong Pebrero 7 sa Pacific View Mortuary sa Corona Del Mar.

Ito ay ayon sa US media report ngayong umaga Pebrero 12.

Isang pribadong seremonya ang ginanap na dinaluhan lamang ng pamilya at pinakamalalapit na kaibigan ng NBA legend.

Magkakaroon naman ng isang public memorial na gaganapin sa Pebrero 24 sa Staples Center, Los Angeles California. Ito ang nagsilbing tahanan ng propesyon ni Kobe sa loob ng 20 taon niyang pagiging isang NBA superstar.

Ang petsang 2-24 ay sumisimbolo sa mga jersey numbers ng mag-ama. 24 ang minsang ginamit na numero ni Kobe habang number 2 naman ang kay Gianna.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, labis pa rin ang pagdadalamhati ng misis ni Kobe na si Vanessa Bryant na naibabahagi niya sa kanyang mga Instagram post.

Aniya, tila di pa raw matanggap ng kanyang isipan na wala na ang dalawang tao na kanyang pinakamamahal.

"My brain refuses to accept that both Kobe and Gigi are gone. I can’t process both at the same time. It’s like I’m trying to process Kobe being gone but my body refuses to accept my Gigi will never come back to me. It feels wrong. Why should I be able to wake up another day when my baby girl isn’t being able to have that opportunity?! I’m so mad. She had so much life to live," kanyang naibahagi sa isang emosyonal na post.

Kasama ang mag-amang Bryants sa helicopter crash na naganap noong Enero 26 kung saan 7 rin sa mga mga lulan nito ang pumanaw.

Tricky Questions Celebrities: Guess The Star By The Charming Smile | HumanMeter

How well do you know the smile of your favorite Pinoy celebrity? Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel