Sotto: ABS-CBN, posible pang umere hanggang March 2022

Sotto: ABS-CBN, posible pang umere hanggang March 2022

- Ayon kay Senator Tito Sotto, maaari pa raw makapag-operate ang ABS-CBN hanggang March 2022

- Ito ay sa kahit pa raw ma-e-expire na ang prangkisa ng giant network sa susunod na buwan

- Paliwanag ni Sotto, ito ay mangyayari lamang kung mayroong naka-pending na bill para sa franchise renewal nito bago mapaso ang prangkisa nito

- Hanggang sa kasalukuyan daw ay wala pa sa Senado ang mga naka-pending na bill para sa renewal ng kontrata nito at nananatili pa sa Kongreso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maaari pa raw makapag-operate ang ABS-CBN hanggang sa March 2022 ayon kay Senate President Vicente "Tito" Sotto.

Posible raw ito kahit pa mag-e-expire na ang prangkisa ng giant TV network sa March 2020 o sa susunod na buwan.

Paliwanag ni Sotto, ito ay mangyayari lamang kung mayroong naka-pending na bill para sa franchise renewal nito bago pa tuluyang mapaso ang prangkisa nito, ayon sa ulat ng GMA News (Author, Llanesca T. Panti).

“They can still operate. If it is not approved until March of 2022, that is the only time that it is terminated. As long as may na-kafile na bill, it is deemed extended,” ayon kay Sotto.

“Until matapos yung 18th Congress, kung nakapending pa rin at hindi nireview. It has happened so many times in other franchises. I used to be chairman of public services in the 10th Congress,” dagdag pa nito.

Pero sabi ng senador, wala nang magagawa pa ang TV network kung mapaso ang prangkisa nito at wala pang naka-file na bill para sa renewal nito.

“Ang masama, napaso yung franchise, at hindi pa nagfa-file, magfa-file pa lang. Terminated ka. Pero yung may nakapending na (unclear), inabot ka ngayon ng whatever, hindi mapasa-pasa, it is deemed extended,” anito.

Sabi pa sa ulat, mayroon nang 11 na naka-pending na bill para sa franchise renewal ng ABS-CBN ngunit wala pang aksyon mula sa Kongreso.

“Ang mangyayari diyan, kung talagang ayaw ng Congress na bigyan, ideny na nila yung franchise. We haven’t been called in, but perhaps it’s just proper that I initiate it already,” ayon kay Sotto. “I might initiate it already para magkaalaman na. Mabuti na ‘yung magkaalaman kung ano yung position nila. Nag-aantay ba kami sa wala or what?"

"Because you know, at the moment, we are handcuffed. Until it reaches the Senate, we cannot do anything about it,” dagdag nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, ilang Kapamilya celebrities naman ang nag-post kaugnay nang franchise renewal ng kanilang home network, na una nang naiulat ng KAMI.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel