Anyare? Misis na may iba na raw BF, tinesting lang daw ang love ni mister

Anyare? Misis na may iba na raw BF, tinesting lang daw ang love ni mister

- Matapos ang paulit-ulit na pagtanggi noong una ng ginang ay biglang nagbago ang desisyon nito nang humarap kay Raffy Tulfo

- Nag-ugat kasi ito nang ireklamo ang babae ng kanyang kinakasama sa programa ni idol Raffy

- Harapan din nitong inamin na mayroon na itong ibang minamahal at huli na raw ang lahat para sa kanila ng live-in partner

- Ngunit nagbago ang ihip ng hangin at nakipagbalikan na ito kay mister alang-alang daw sa kanilang mga anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagbago ang ihip ng hangin sa pagitan ng live-in partners na sina Anita Salon at Alex Roaring nang magharap ang dalawa sa programang 'Wanted sa Radyo'.

Una nang naiulat ng KAMI nang idulog ni Roaring ang problema sa kinakasamang si Salon na nakikipaghiwalay na sa kanya.

Ilang beses ding tumanggi ang ginang na makipagbalikan sa lalaki kahit pa nagmakaawa na ang lalaki noon.

Ayon kay Salon, huli na ang lahat sa kanilang dalawa at inamin din nito on-air na mayroon na siyang ibang nobyo.

Ngunit nagbago ang desisyon nito nang maka-face-to-face na ang lalaki sa harap ni idol Raffy.

Simula pa lamang ay sinabi na agad nitong makikipag-ayos na lamang sa lalaki na ikinatuwa naman ni Tulfo.

Ayon sa ginang, alang-alang sa mga anak ay muli niyang bubuuin ang kanilang pamilya.

Hindi naman na naungkat pa ang tungkol sa isa pa nitong karelasyon.

Maraming netizens din ang natuwa at kinilig para sa dalawa.

Siyempre pa, hindi rin nakalimutan ni idol Raffy na tulungan ang mag-asawa at pinangakuan pa ng kabuhayan upang hindi na magkalayo pa ang dalawa.

Bukod dito ay isa rin ang mga ito sa nakatanggap ng tulong mula sa mga bumisitang OFW kay idol Raffy kamakailan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel