Huli na ang lahat! Ate, inutusan ang live-in partner na mag-move on na lang

Huli na ang lahat! Ate, inutusan ang live-in partner na mag-move on na lang

- Harapang inamin ng isang ginang na mayroon na siyang ibang minamahal kaya naman sana raw ay mag-move on na lang ang kanyang kinakasama

- Inireklamo kasi ito ng kanyang live-in partner sa programa ni Raffy Tulfo

- At nais ng lalaki na bumalik na lang sa kanya ang ginang at magsimula ng bagong buhay kasama ang kanilang limang anak

- Pero ayon sa babae, huli na talaga ang lahat at tumanggi nang bumalik kay kuya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Harapang inamin ng ginang na si Anita Salon na mayroon na siyang ibang minamahal kaya sana naman daw ay mag-move on na lamang ang live-in partner na si Alex Roaring.

Ito ay matapos siyang ireklamo ng lalaki sa isa sa mga programa ni Raffy Tulfo na 'Aksyon'.

Nais sana ng lalaki na bumalik na lamang sa kanya si Salon at magsimula ng bagong buhay kasama ng kanilang limang anak.

Ngunit mariing iginiit ng ginang na huli na ang lahat para sa kanilang dalawa dahil napamahal na siya sa kanyang bagong nobyo.

Hindi naman ito matanggap ni Roaring at makailang-beses na napadukdok sa harap ni idol Raffy.

Nakiusap din ito sa babae at sinabing ilang gabi na raw siyang walang tulog.

Hindi raw ito ang kanilang plano nang payagan niya itong maghanap-buhay malayo sa kanila ng mga bata.

Sa kabila ng pag-amin nito, handa raw si Roaring na muling tanggapin ang ginang.

Pero ayon sa babae, gumawa na lang daw ito ng paraan para ayusin ang sarili kung kailan nangyari na ang mga nangyari sa kanila.

Nais na lamang daw ni Salon na pag-usapan nilang dalawa ang kanilang mga anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel