Nurse sa Wuhan, napahagulhol sa pag-iyak sa hirap ng kanyang kalagayan

Nurse sa Wuhan, napahagulhol sa pag-iyak sa hirap ng kanyang kalagayan

- Isang nurse sa Wuhan, China ang di napigilan ang emosyon dahil sa tinamaan na rin siya ng 2019 novel coronavirus

- Habang tumutulong siya pangangalaga sa mga pasyenteng may nCoV nagdurusa mismo siya sa kaparehong sakit

- Ang masaklap, dahil sa infected na rin siya ng naturang virus ay kinakailangan na rin daw siyang humanay sa mahabang pila ng mga pasyente na para sa kanya'y di makatarungan

- Matiyaga naman siyang pinagpapasensyahan ng kasama niyang nurse na pilit inuunawa ang kalagayan ng kasamahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakadurog ng puso ang eksenang nakunan sa Wuhan, China kung saan di na napigilan pang mapahagulhol ng isang nurse doon na tinamaan na rin ng 2019 novel coronavirus.

Sa video na binahagi sa YouTube channel na Billy LoveCali, makikita ang isang nurse na umiiyak kasama ang isa pang nurse na kinukumbinsi siya na bumalik na sa ospital.

Alam na kasi ng umiiyak na nurse na ang kanyang pag-ubo ng ilang araw at pagkakaroon ng diarrhea at ilan sa mga sintomas ng pagkakaroon ng virus.

Labis na mahirap ito para sa kanya dahil imbis na makatulong pa siya sa ibang may sakit, kailangan na rin niyang magpahinga bilang isang pasyente.

At dahil isa na rin siyang pasyente, kinakailangan na rin daw niyang humanay sa mahabang pila ng mga tinamaan ng nCoV na hindi nga naman makatarungan sa kanyang sitwasyon bilang bahagi naman siya ng medical staff.

Pilit pa rin siyang kinukumbinsi ng kanyang kasama na inuunawa na lamang din ang may sakit na nurse.

Awang-awa ang mga netizens sa kanilang napanood. Hindi nga naman biro ang pinagdaraanan na ito ng health worker dahil bukod sa stress sa trabaho, naging pabigat pa sa kanyang sarili ang pagiging pasyente na rin.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Having been infected by this deadly virus in China is like a death sentence. Very sad to see the Help becomes the helpless. I hope the Chinese government provides her the care she needed."
"Stress lowers your immune system making it easier for you to contract illnesses. Plus she’s exposed to large volumes of virus. I really feel for all of those medical staff working tirelessly. I hope that nurse has a speedy recovery."
"Sad hope she gets the treatment she deserves. Help countless others and get told back of the line when in need!"
"My heart breaks for these people. Its so sad."
"Watching this makes my heart break. I pray for this woman."

Sa ngayon, nasa 974 na ang naitalang pumanaw dahil sa nakamamatay na virus na ito sa Wuhan, China pa lamang.

Nananatiling tatlo pa rin ang kumpirmadong kaso ng nCoV sa Pilipinas kabilang na ang pumanaw noong Pebrero 1. Lahat sila ay pawang mula mismo sa Wuhan kung saan ang episentro ng kinatatakutang sakit na ito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel