Misis na humihingi ng tulong para sa agaw-buhay na mister na tinamaan ng nCoV, viral

Misis na humihingi ng tulong para sa agaw-buhay na mister na tinamaan ng nCoV, viral

- Viral ang Twitter video ng isang babae sa China na sumisigaw sa paghingi ng tulong para sa kanyang mister

- Agaw-buhay na umano ito dahil tinamaan ito ng 2019 novel coronavirus sa mismong episentro nito sa Wuhan, China

- Halos magwala ang babae sa paghingi ng tulong dahil wala siyang magawa para sa mister

- Sa balkonahe ng kanilang tinitirhang gusali ito sumisigaw at tila walang nangangahas na tumulong sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakadurog ng puso ang Twitter video na binahagi ni Quresh Moin kung saan isang babae ang di umano'y humihingi ng tulong para sa kanyang naghihingalong mister.

Ayon sa post, tinamaan daw ang mister nito ng 2019 novel coronavirus na mula mismo sa episentro nito sa Wuhan, China.

Halos magwala na ang misis na di na malaman ang gagawin sa mister na nag-aagaw buhay na.

Sumisigaw na lamang ito upang makahingi ng saklolo mula sa balkonahe ng kanilang tinitirhang gusali.

Ang masaklap, tila walang mangahas na tumulong sa kanila marahil dahil sa takot para sa kanila namang seguridad pagdating sa kalusugan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maraming netizens ang naawa sa kalagayan ng mag-asawa at hiniling na sana'y matapos na ang pagkalat ng nakamamatay na virus na ito.

Kasalukuyan nang 974 ang naitalang bilang ng mga namatay sa Wuhan.

Sa Pilipinas, nananatiling tatlo ang naging kumpirmadong kaso ng nCoV kasama na rito ang isang pumanaw noong Pebrero 1.

Pawang mga Chinese national ang mga ito na mula mismo sa episentro ng virus sa Hubei.

Samantala, narito ang video na nagpapakita ng kaawa-awang kalagayan ng mga apektado ng 2019 nCoV sa Wuhan, China.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel