Modus na pagnanakaw ng mga kababaihan sa Leyte, sapul sa video

Modus na pagnanakaw ng mga kababaihan sa Leyte, sapul sa video

- Kitang-kita sa CCTV footage ang pagnanakaw ng nasa anim na kababaihan sa Leyte

- Halos nalimas ang isang bahagi ng grocery store doon nang maisilid ng mga babae ang mga bagay na kanilang nadadampot

- Nagpapalitan ng pagmamatyag at pagsisilid ang mga babae na nakarami ng nakulimbat na mga gamit

- Umabot na sa mahigit isang milyon ang views ng video ng nakababahalang insidenteng ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang CCTV footage ng aktwal na pangnguha ng mga paninda sa isang grocery store ng ilang mga babae sa Leyte.

Binahagi ang video ng Raffy Tulfo supporters at marami ang nagulat sa garapalang pagnanakaw ng mga babaeng ito.

Halos malimas nila ang laman ng isang bahagi ng tindahan habang pasimple nilang isinisilid ang mga gamit sa loob ng kanilang maluwag na damit.

Tinatayang nasa anim hanggang pitong babae ang nagpapalitan sa pagsisilid ng anumang madampot na gamit habang ang ilan naman ay nagmamatyag lamang.

Tila bihasa na ang ilan sa gawaing ito dahil sa dami ng kanilang nakuha sa loob lamang ng ilang minuto.

Sadyang nakababahala ang mga nakita sa video na ito lalo na kung hindi pa nahuhuli ang mga babaeng gumagawa ng ganitong modus.

Kaya naman maging ang mga netizens ay nanggagalaiti sa galit dahil sa pagnanakaw na ginagawa ng mga babaeng ito na maayos naman daw ang mga pangangatawan at di na lamang kumuha ng marangal na trabaho.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga saloobin ng mga netizens:

"Kung nanay sila paano na lang kung nakita sila ng mga anak nila na ganito ang pinaggagagawa nila"
"Grabe, andami naman diyang trabaho wag choosy. kesa naman ganito na magnanakaw ka tas babae pa, kakahiya"
"Nakakalungkot isipin na maging ang mga mga babaeng ito na ang ilan ay mukha namang matinong tingnan e nakakagawa ng ganito, may mukha pa kaya silan maihaharap sa pamilya nila?"
"Anuman ang rason nila, pagnanakaw pa rin yan na di dapat tino-tolerate, hulihin, parusahan para di na maulit"
"Dapat pabigatin din ang parusa sa pagnanakaw. yung iba kasi sanay na sa kulungan kaya pagkalabas nakaw ulit, sakit na nila yan"

Umabot sa mahigit isang milyon ang views ng video na ito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel