Pinoy seaman, namataan na lang ang katawan sa engine room ng barko

Pinoy seaman, namataan na lang ang katawan sa engine room ng barko

- Isang Pilipinong seaman ang namataang patay sa loob ng engine room ng barko

- Ayon sa awtoridad, wala namang sintomas ng 2019 novel coronavirus ang Pilipinong binawian ng buhay

- Hanggang sa ngayon ay iniimbistigahan pa rin ang kasong ito at hinihintay ang resulta ng autopsy

- Nakikipagtulungan naman ang management ng barko sa awtoridad para sa imbestigasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang Pinoy na miyembro ng crew sa isang international cruise ship ang namataan sa engine room.

Nalaman ng KAMI na wala naman umanong sintomas ng 2019 novel coronavirus ang Pinoy at kasalukuyang iniimbistigahan pa ang kamatayan nito.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, nakita ang katawan ng 54 anyos na Pinoy sa engine room ng Royal Caribbean’s Anthem of the Seas noong Sabado.

Kahit na pinaghihinalaang walang koneksyon sa novel coronavirus ang pagkamatay ng Pinoy, hindi naman binabalewala ng management ng barko sa kasong ito. Agad nilang inalerto ang awtoridad nang malamang hindi pumasok sa trabaho ang Pinoy at nakitang binawian na ito ng buhay.

Sabi ng dalawang sources, inilagay ang katawan ng Pinoy sa isang refrigerated compartment hanggang sa dumaong ang barko sa New Jersey. Nakikipagtulungan naman ang Royal Caribbean sa awtoridad upang maresolba ang kasong ito.

"We can confirm that local authorities were immediately notified after a crewmember who did not report for work was found deceased. We cooperated fully with law enforcement in their investigation and have been advised the death was non-suspicious," sabi ng Royal Caribbean, ayon sa ulat ng NBC New York.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, naunang naibalita ng KAMI na isang Pilipino na seaman ang nagpositibo sa 2019 novel coronavirus nang dumaong ang barko nito sa Japan.

Ang 2019 novel coronavirus ay naitalang nagsimula sa Wuhan, China. Tatlong kaso naman ng sakit na ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) sa Pilipinas.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel