Pinay DH, 4 taon na sa Saudi pero pang 1 taong sahod lang ang nakukuha sa amo

Pinay DH, 4 taon na sa Saudi pero pang 1 taong sahod lang ang nakukuha sa amo

- Isang kwento ng domestic worker sa Saudi Arabia ang kumakalat ngayon sa social media

- Ayon sa netizen na nag-post ng kwento niya, 4 years na ang Pinay sa Saudi pero pang 1 year lang ang sahod na binigay sa kanya ng amo niya

- Hanggang sa ngayon daw ay ayaw pa rin ibigay ng amo ang sahod niyang pang 3 taon

- Hindi rin umano matawagan ng Pinay ang pamilya niya sa Pinas dahil pati cellphone niya ay kinuha ng amo niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang Pilipina na domestic helper sa Saudi Arabia ang matagal na umanong hindi pinapasahod ng amo niya doon.

Nalaman ng KAMI na apat na taon at tatlong buwan na si Maymay Mongkil sa Saudi ngunit pang isang taon pa lang na sahod ang naibibigay sa kanya.

“’Yung sahod niya 1 year lang ang binigay tapos ‘yung 3 years ‘di daw binigay. Gustong-gusto na daw niya umuwi kaso wala daw siya pera,” sabi sa post.

Ayon sa Facebook post ng netizen na si Magsilong Shiella Ylanan Ladion, taga-General Santos City daw si Maymay at walang kaalam-alam ang pamilya niya sa pinagdadaanan niya sa ibang bansa at piniling ilihim ito dahil may sakit ang tatay niya.

Dagdag pa ng netizen, wala raw cellphone si Maymay kaya hindi niya rin matawagan ang pamilya niya sa Pilipinas. Lagi rin daw nakabantay ang amo niya sa kanya kaya ang huling tawag niya sa pamilya niya ay noong October pa.

“Wala siya kontak sa pamilya niya wala siyang selpon at hindi daw siya pinatawag ng amo niya. ‘Yung amo niya lagi daw nakabntay sa kanya. Last tawag niya October ata tapos hindi niya masabi sa pamilya niya sa Pinas kasi may sakit daw papa niya kaya nilihim niya po,” dagdag pa sa post.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, maraming mga netizens din ang naawa sa kalagayan ng Pinay sa Saudi. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook post:

“Kawawa naman…”
“Sana matulungan siya”
“Dios ko..bket nag aabroad pa dto nlang kht mglabada ok lang..wag lang gnyan..”
“Pinaabot p nya ng 4 years ..dapat 1 month p lang na sahod nilayasan n nya”
“Kawawa nman si kabayan. Sana matulungan kng mkauwi”

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel