House: Mapanganib masundan ang inihaing quo warranto ng SolGen vs. ABS-CBN

House: Mapanganib masundan ang inihaing quo warranto ng SolGen vs. ABS-CBN

- Kamakailan ay naghain ang Solicitor General ng quo warrant petition laban sa ABS-CBN

- Ayon kay House deputy speaker Johnny Pimentel, mapanganib kung sakaling masusundan ang inihaing quo warranto

- Maaari raw lumakas ang loob ng Solicitor General lalo na kung may interes pa sila sa ibang mga kompanya

- Paliwanag naman ng KBP spokesperson, maaari pa ring magpatuloy ng operasyon ang ABS-CBN hanggang sa magkaroon ng hatol ang Kongreso sa prangkisa nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kamakailan ay naghain ng quo warranto ang Solicitor General laban sa broadcasting network na ABS-CBN.

Nalaman ng KAMI na ayon kay House deputy speaker Johnny Pimentel, mapanganib umano kung masusundan ang quo warranto petition na ito.

Ayon sa panayam ni Pimentel sa ANC Headstart, kapag naisulong daw ang quo warranto na ito, maaaring lumakas ang loob ng Solicitor General kung sila ay may interes pa sa ibang kumpanya.

“This could set a very dangerous precedent. This could embolden the OSG to file more kung may interes sila sa iba pang kumpanya,” giit ni Pimentel.

Sa ulat naman ng DZMM Teleradyo, ipinaliwanag ng legal counsel at spokesperson ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas na si Rudolph Jularbal na maaari pa ring magpatuloy ng operasyon ang ABS-CBN hanggang sa ito ay “expressly denied or granted” ng Kongreso kung sakaling mag-expire na ang prangkisa nila bago pa magkaroon ng hatol ang mismong Kongreso rito.

Subalit, kung hindi naman ma-re-renew ang prangkisa ng ABS-CBN ay maaari pa rin sila magpatuloy ng operasyon bilang “content provider” online o bilang “blocktimer” sa ibang mga channel.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naunang naibalita ng KAMI na giniit ng ABS-CBN na wala silang nilabag na batas at hindi totoo ang mga paratang ng Solicitor General laban sa kanila.

Hanggang sa ngayon ay naka-pending pa rin sa Kongreso ang pagre-renew ng prangkisa ng ABS-CBN na nakatakdang mag-expire sa darating na Marso.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel