Ina, muling nakasama ang pumanaw na anak sa tulong ng teknolohiya

Ina, muling nakasama ang pumanaw na anak sa tulong ng teknolohiya

- Sa tulong ng teknolohiya, isang inang nangungulila ang muling nakasama ang namayapang anak

- Sa pamamagitan ng isang documentary, nasaksihan ng marami ang mga nakakadurog na tagpo sa pagitan ng mag-ina

- At sa tulong ng pag-aaral at makabagong kagamitan ay muli ngang nakausap, nahawakan at nakalaro ng ginang ang anak

- At tulad ng inaasahan, marami ang nalungkot at naantig ang damdamin sa virtual reunion na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa tulong ng makabagong teknolohiya, nagkaroon ng pagkakataon ang isang nangungulilang ina na muling makasama ang namayapang anak.

Sa isang documentary sa South Korea na pinamagatang "I Met You", ibinahagi ng Munhwa Broadcasting Corporation ang ilan sa nakakadurog na eksena ng mag-ina.

Taong 2016 nang pumanaw ang anak ng ginang na si Jang Ji-sung, ang 7-anyos na si Nayeon, dahil sa isang malubhang sakit.

At makalipas ang tatlong taon, muling "nabuhay" sa pamamagitan ng virtual world si Nayeon.

Sa video makikitang nakatayo si Jang na nakatayo sa harap ng isang malaking green screen habang nakasuot ng VR headset at haptic gloves.

At sa tulong nito, nagkaroon muli ng pagkakataon ang ginang na makausap, mahawakan at makalaro ang anak na si Nayeon.

Noong una pa lang na makita ng ginang ang anak ay napaiyak na lamang ito.

At tulad ng inaasahan ng marami, nakakadurog ng puso ang bawat eksena sa pagitan ng mga ito.

Samantala, ayon sa report ng Aju Business Daily, umabot sa walong buwan ang paghahanda ng team sa likod nito.

Gumawa sila ng disenyo ng isang virtual park matapos pag-aralan ang mga galaw ng isang mag-ina na namamasyal at naglalaro sa isang park.

Gumamit din ang team ng motion capture technology upang i-record ang mga galaw ng isang 7-anyos na batang babae para magamit nila sa virtual Nayeon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel