Emosyonal na video ng coronavirus patient na inaalagaan ng mister, nagpaluha sa netizens

Emosyonal na video ng coronavirus patient na inaalagaan ng mister, nagpaluha sa netizens

- Viral ang video ng isang health worker na tinamaan ng 2019 novel coronavirus

- Ayaw nitong magpadala sa ospital at mas pinili pa nitong manatili sa kanilang bahay at mag-self quarantine

- Kitang-kita ang hirap ng kalagayan nito ngunit laking pasalamat niya sa suporta ng kanyang mister na inaalagaan siya sa kabila ng kanyang kondisyon

- Di inaasahan ng mga netizens ang pagtatapos ng video kung saan pinaramdam naman ng misis ang pagpapahalaga niya sa ginagawa ng mister niya para sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena sa social media ang nakakaantig ng puso na video ni Haitang, isang videographer na ang misis ay tinamaan ng 2019 novel coronavirus.

Nalaman ng KAMI na isang medical worker sa Wuhan ang misis ni Haitang. Nang malaman nitong nagpositibo siya sa kinatatakutang virus ng buong mundo, mas pinili niyang i-self quarantine ang sarili kaysa siya raw ay nasa ospital.

Dahil dito kinukunan ng video ni Haitang ang bawat araw ng misis habang ito ay nagpapagaling sa kanilang tahanan.

Sa video na binahagi ng Sixth tone, nasa ikaanim na araw na raw noon ng pagkakasakit ng kanyang misis.

Pabalik balik pa rin ang lagnat nito kaya naman di niya maiwasang mabahala.

Bago pumasok sa silid kung saan nagpapahinga ang asawa, nagsuot ng protective gear si Haitang gaya ng suot ng mga health workers na nasa ospital.

Binigyan niya ito ng mainit na tubig at gamot at kinumusta na rin niya ang kalagayan nito.

Doon naging emosyonal ang misis at labis na umiyak. May kataasan din kasi noon ang kanyang lagnat.

Halos walang magawa ang mister kundi kausapin ang asawa. Hindi niya ito mahawakan at mismong ang asawa na rin ang nagsasabing huwag siyang lumapit at baka siya naman ang tamaan ng nCoV.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nang maisaayos na ang misis, sa video chat na lamang sila ng-usap.

Doon sila nagbibiruan at kinakastigo pa ng pasyente ang kanyang asawa dahil sa pag-a-upload nito ng kanilang mga video.

Dumarami raw kasi ang nakakaalam na ng kalagayan niya at natatakot siyang makita rin ito ng kanyang mga magulang.

Ngunit ang di inaasahan ng mga netizens ay ang huling bahagi ng video na mas lalong kumurot sa puso nila.

Inakala ng marami na tila nagsusungit na ang misis dala ng sakit nito, ngunit dala ng pagpapahalaga sa ginagawa ng kanyang mister para sa kanya, nakangiti niyang nasambit ang "How about I marry you once I recover? Would you marry me?"

Halos di makaimik ang mister na nanginginig na ang luha marahil sa saya at sakit ding nararamdaman dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng lahat.

Dahil dito, hangad ng marami na sana'y gumaling ang babae upang maisakatuparan nito ang kanyang balak sa oras na siya ay magnegatibo na sa 2019 novel coronavirus.

Narito ang kabuuan ng viral video:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel