Biktima ng "Sabunot Gang" sa Edsa, idinitalye kung paano nanakaw ang kanyang CP

Biktima ng "Sabunot Gang" sa Edsa, idinitalye kung paano nanakaw ang kanyang CP

- Binahagi ng isang biktima ng "Sabunot gang sa EDSA ang nakapanlulumo niyang karanasan kung paano nanakaw ng grupo ang cellphone niya

- Nangyari pa umano ito sa punuang bus kung saan marami sanang tao na pwedeng tumulong sa kanya

- Nasaktan na nga siya, nawalang pa siya ng mamahaling gamit

- Agad na man niya itong nai-report sa pulis ngunit di na nabawi pa ang halos bago pa niyang cellphone

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan ngayon sa social media ang post ng netizen na si Nam Figueras tungkol sa nakaalarma niyang karanasan sa bus nito lamang Pebrero 7.

Biktima umano si Nam ng "Sabunot Gang" sa EDSA at labis na trauma ang naidulot nito sa kanya.

Kwento ni Nam, punuan daw ang bus nang maganap ang eksena. May nag-away pa raw noon na mga pasahero dahil siksikan na ang bus.

Pababa na sana siya nang biglang may nanghatak ng buhok niya na halos mapatingala na siya sa tindi ng pagkakasabunot nito.

Sumisigaw na siya noon ng tulong ngunit kahit maraming tao ay walang nangahas na tumulong.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman nabitawan niya ang kanyang iPhone11 para mahawakan ang buhok at kahit na paano'y maialis ang kamay ng nananakit sa kanya.

Doon, napansin na niya ang isang lalaki na tila may nakuha na sa kanyang bag.

Matapos ang eksena buglang nagbabaan ang karamihan ng sakay.

Isang pasahero na lamang ang nagsabi sa kanya na i-check ang bag niya at maaring may nakuha sa kanya.

Nalaman niyang nakuha nga ang mamahalin niyang cellphone.

Nanlumo talaga siya sa nangyari at nagdulot ito ng matinding trauma sa kanya.

Nai-report naman na ni Nam ang pangyayari sa pulis ngunit di na niya nagawang mabawi pa ang kanyang bagong cellphone.

Magsilbi na lamang daw itong babala sa lahat lalo na sa mga sumasakay ng bus. Nasaktan na nga siya, nanakawan pa.

Narito ang kabuuan ng post ni Nam:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel