Isang pamilya sa Hong Kong, nagpositibo sa nCoV matapos na magsalo sa "hotpot"

Isang pamilya sa Hong Kong, nagpositibo sa nCoV matapos na magsalo sa "hotpot"

- Siyam na miyembro ng isang pamilya sa Hong Kong ang nagpositibo sa 2019 novel coronavirus matapos na magsalo sa "hotpot"

- 19 ang kabuuang bilang ng milyembro ng pamilya na kumain ngunit unang nagpositibo ang dalawa

- Sumunod na nagpositibo ang pito pang miyembro ng pamilya na nagsalo-salo upang ipagdiwang ang Lunar New Year holiday

- Kasalukuyang nasa 36 na ang kumpirmadong kaso ng novel coronavirus sa Hong Kong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang pamilya sa Hong Kong ang halos sabay sabay na tinamaan ng kinatatakutang 2019 novel coronavirus o nCoV.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, naunang nagpositibo sa nCov ang 24-anyos na lalaki at 91-anyos na lola nito.

Di nagtagal, kinakitaan na rin ng sintomas at lumabas na positibo rin sa virus ang nanay at tatay ng lalaki, dalawang tiyahin at tatlo nitong pinsan ayon sa Hong Kong's Centre for Health Protection.

19 daw ang kabuuang bilang ng pamilya na nagsalo sa hotpot bilang pagdiriwang nila ng Lunar New Year holiday nitong katapusan ng Enero.

Kilala ang hotpot na pagkain ng mga Chinese kung saan ang mga nagsasalo-salo ang nagluluto ng kanilang "sopas" sa gusto nilang mga lahok nito. Ginagawa nila ito mismo sa kanilang hapag-kainan.

Isang pamilya sa Hong Kong, nagpositibo sa nCoV matapos na magsalo sa "hotpot"

source: Facebook
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kasalukuyan nang nasa 36 ang kabuuang bilang kumpirmadong kaso ng novel coronavirus sa Hong Kong mula nang una itong lumaganap sa Wuhan, China noong Disyembre ng nakaraang taon.

Isa pa lamang ang kumpirmadong patay sa Hong Kong dahil sa respiratory disease na ito.

Nito lamang Sabado, Pebrero 8, itinaas na ang 14-day quarantine sa Hong Kong para sa lahat ng mga papasok mula sa mainland China upang masigurong walang virus ang mga ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel