Wuhan sa China, nagmistulang ‘ghost town’ dahil sa quarantine na dulot ng 2019 nCoV

Wuhan sa China, nagmistulang ‘ghost town’ dahil sa quarantine na dulot ng 2019 nCoV

- Nagkalat ngayon sa social media ang video kung saan makikita ang kasalukuyang kalagayan ng Wuhan, China

- Makikita sa video na tila naging “ghost town” na ang lugar dahil naka-lockdown ito at naka-quarantine ang mga residente rito

- Tinatayang nasa lagpas 900 na ang mga binawian ng buhay sa China dahil sa 2019 novel coronavirus

- Samantala, nabahala naman ang mga netizens sa kalagayan ng mga tao ngayon sa Wuhan na apektado ng coronavirus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tampok ngayon online ang mga drone footage kung saan makikita na nagmukhang “ghost town” na ang Wuhan, China, dahil sa 2019 novel coronavirus.

Nalaman ng KAMI na naitala ang Wuhan bilang “ground zero”o pinagmulan ng novel coronavirus.

Ayon sa ulat ng LADbible, ang mga residente ng Wuhan ay naka-quarantine hanggang sa ngayon dahil nga laganap na ang coronavirus dito.

Makikita sa video na ang Wuhan ay naka-lockdown upang hindi na mas kumalat pa ang coronavirus sa ibang lugar. Maging ang mga pampublikong sasakyan ay pinahinto muna ang operasyon.

Tinatayang ito na ang pinakamalaking quarantine na naitala sa buong kasaysayan dahil nasa 45 milyon na katao ang apektado nito.

Ayon sa ibang mga ulat, nasa lagpas 900 na ang naitalang pumanaw sa China dahil sa novel coronavirus. Samantala, nasa 40,710 na ang naibalitang kumpirmadong kaso ng coronavirus sa buong mundo.

Ang mga netizens naman ay nabahala sa kasalukuyang sitwasyon ng mga tao sa Wuhan. Narito nga ang kanilang mga komento sa Youtube:

“It like a zombie apocalypse just happened.”
“This is look so depressing, stay strong Wuhan citizens”
“I hope the virus gets contained. Pray for Wuhan”
“This is heartbreaking to see, also terrifying.”
“It's looks like movie scene when some apocalypse come!! This is very serious. Pray for Wuhan people and all China's citizens”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nauna nang naibalita ng KAMI na ang doktor na unang nagbabala ukol sa coronavirus sa Wuhan ay pumanaw na rin dahil sa sakit na ito.

Ayon sa Department of Health (DOH), tatlong kaso na ng coronavirus ang kumpirmado sa Pilipinas. Nasa 284 na pasyente naman ang kasalukuyang iniimbestigahan at pinagsususpetyahang may coronavirus sa bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel