Rapper na si Jay-Z, ibinahagi ang napansin kay Kobe Bryant bago ito nasawi

Rapper na si Jay-Z, ibinahagi ang napansin kay Kobe Bryant bago ito nasawi

- Nakakadurog ng puso ang ibinahaging kwento ng rapper at asawa ni Beyonce na si Jay-Z tungkol sa huling pag-uusap nila ni Kobe Bryant

- Sa isang panayam dito, ikinuwento nito kung paanong ipinakita ni Kobe kung gaano ito ka-proud sa anak na si Gianna

- Sabi pa ni Jay-Z, kita raw ang kaligayahan sa mukha ng basketball legend

- Nahirapan din daw silang mag-asawa na tanggapin ang biglaang pagpanaw ng mag-ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakadurog ng puso ang kwentong ibinahagi ng American rapper at mister ni Beyonce na si Jay-Z tungkol sa huling pag-uusap nila ng yumaong si Kobe Bryant.

Naimbitahan ito sa isang speech sa Columbia University kung saan nakapanayam ito ng ilang estudyante, natanong ito tungkol sa relasyon nito kay Kobe Bryant.

"Kobe was a guy that looked up to me and we've hung out multiple times," anito. "He was last at my house on New Year's and he was just in the greatest space that I've seen him in."

"One of the last things he said to me was, 'You've gotta see Gianna play basketball,'" kwento pa ng rapper.

Si Gianna ang 13-anyos na anak ni Kobe na kasamang nasawi sa helicopter crash noong January 26 sa Calabasas, California, na una nang naiulat ng KAMI.

Ayon sa mga report, papunta sana ang grupo ni Kobe at Gianna sa Mamba Sports Academy para sa isang basketball game.

Dagdag pa ni Jay-Z, kita raw kung gaano ka-proud si Kobe para sa anak.

"That was one of the most hurtful things, because he was so proud, and the look on his face was... I looked at him and said, "Oh she's going to be the best female basketball player in the world.""

"That's all I'll say on that. He was just a great human being and was in a great space in his life," anito.

Nahirapan din daw sila ng asawang si Beyonce na tanggapin ang biglaang pagpanaw ng mag-ama.

Sa kanyang Instagram account, inalala ni Beyonce ang mag-ama sa pamamagitan ng pagbabahagi ng larawan ng mga ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isang report ng KAMI, nais itago ni Vanessa Bryant, misis ni Kobe, ang lahat ng bagay na inalay ng mga fans ng mister sa memorial sa Staples Center para sa mga nasawi.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel