Dating HS sweethearts na ikinasal na, kinagiliwan sa kanilang "lumpia" prenup

Dating HS sweethearts na ikinasal na, kinagiliwan sa kanilang "lumpia" prenup

- Nag-viral ang mga larawan ng dating HS sweethearts na sina Mark Arnel Amodia at ngayo'y asawa na nitong si Mari Anne Tago

- Suot nila ang uniporme noong sila'y high school pa lamang at isinagawa ang prenuptial pictorial sa kanilang dating paaralan

- May ilang kuha rin sa lugar kung saan sila madalas kumain ng lumpia kaya naman mas lalong natuwa ang mga netizens sa konseptong ito

- Humanga rin ang mga netizens sa relasyon ng dalawa na bagama't nagsimula sa maagang panahon ay napagtibay nila at napatunayang sila nga ang nakalaan para sa isa't isa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena sa social media ang simple ngunit kakaibang konsepto ng prenuptial pictorial Mark Arnel Amodia at Mari Anne Tago.

Ayon sa post ng kanilang photographer na si Glenn Jubs, high school sweethearts daw ang dalawa kaya naman binalikan nila ang mga lugar kung saan sila unang nagkakilala.

Suot ang kanilang uniporme noong high school, kinunan ang ilang nakakakilig nilang eksena sa dati rin nilang paaralan.

Maging ang lugar kung saan sila madalas mag-merienda at mag-date kanila ring binalikan.

Natuwa ang mga netizens sa simple ngunit nakakakilig na konsepto ng prenup na ito.

Bibihira na raw kasi ngayon na maayos na nagkakatuluyan ang mga magkasintahang nagsimula sa maagang edad.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman marami ang natuwa nang makita ang mga larawang ito nina Mark At Anne na nagsilbing ebidensya na ang tunay na pag-ibig pinagtitibay din talaga ng panahon.

Samantala, natuwa rin ang mga netizens sa "lumpia" na kinain pa mismo ng dalawa sa photoshoot.

Ayon sa mga netizens, ito marahil daw ang sikreto ng matatag na pagsasama nina Mark at Anne.

Narito ang ilan sa mga nakakatuwang komento ng mga netizens:

"Ang kulet ng concept pero nakakilig"
"Simple pero kita mo na love nila isa't isa"
"For me, I guess isa sa masasabing best relationships e yung makatuluyan mo ang first love mo"
"Siguro lumpia ang sikreto ng tatag ng relasyon nila, mula high school grabe bihira yun, may forever sa lumpia"
"Pakakainin ko na ng lumpia ang jowa ko baka sakaling maisipan niyang pakasalan ako"
"Lumpia is life, lumpia pa more nagbibigay pala ng forever yun!"

Kahapon, Pebrero 8 ay ginanap na ang kasalan nina ni Mark at Anne.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel