Sam Smith, napabilib ng husto sa husay ng dating TNT contestant na si Carlmalone Montecido

Sam Smith, napabilib ng husto sa husay ng dating TNT contestant na si Carlmalone Montecido

- Hindi napigilang ibahagi ni Sam Smith ang viral video ng isang estudyanteng Pinoy na inaawit ang kanyang kanta

- Ito ay matapos mag-viral ang video ng estudyante na kumakanta sa karaoke ng awiting “Too Good At Goodbyes”

- Umabot sa halos limang milyon ang views ng video na ibinahagi ng singer sa Twitter

- Nakumpirma naman na ang estudyante sa viral video ay ang dating Tawag ng Tanghalan contestant na si Carlmalone Montecido

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napabilib ng studyanteng Pinoy na nag-viral kamakailan ang English singer-songwriter na si Sam Smith. Matapos mag-viral ang video ng estudyanteng kumakanta ng Too Good At Goodbyes, napansin ito ni Smith at ibinahagi sa Twitter.

Hindi din niya naitago ang paghanga sa husay ng estudyante.

“WHO IS THIS KID!!!!!? YOU ARE OUT OF THIS UNIVERSE WHOEVER YOU ARE," ito ang caption na ibinahagi ni Smith kasabay ng video ng pag-awit ng binata.

Humakot ng mahigit 8 milyon na views ang Facebook video na unang ibinahagi ng Facebook user na nagngangalang Trixie Madison.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, kinumpirma ng TV Patrol Negros ang pagkakakilanlan ng estudyante sa viral video. Siya pala ang dating contestant ng Tawag ng Tanghalan.

Samantala, narito ang komento ng mga netizens hinggil sa reaksiyon ni Sam Smith:

If hindi ito napansin ni sam smith konti lang papansin nito. Fact ang dami naman kasing kayang mag sam smith ehh.
Galing!! Nkakapanindig balahibo!!!
Not bashing and no hindi ako magaling kumanta but napaka typical na ng pag kanta nya. Or napaka dami na din kasing magaling kumanta sa pinas kasi

Matatandaang naging kontrobersiyal ang mang-aawit matapos lumabas sa social media ang tungkol sa kanyang paghingi ng tulong upang makuha ang kanyang premyo mula sa Tawag ng Tanghalan.

Si Carlmalone Montecido ay naging fifth placer sa Tawag ng Tanghalan noong 2016.

POPULAR: Read more about Entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel