Manny Pacquiao, nagbigay pugay kay Kobe Bryant sa pamamagitan ng emosyonal na video

Manny Pacquiao, nagbigay pugay kay Kobe Bryant sa pamamagitan ng emosyonal na video

- Isang video ang binahagi ng boxing legend na si Manny Pacquiao patungkol sa pagbisita sa kanya ng basketball ball superstar na si Kobe Bryant noong 2011

- Kuha ito sa isa sa kanyang mga training noon sa Wild Card Gym kung saan siya sinadya mismo ni Bryant

- Emosyonal ang video lalo na at may caption din ito bilang pag-alala at pagbibigay pugay ni Pacquiao sa yumaong NBA legend

- Parehong sumusuporta sa kani-kanilang sports career ang dalawa kaya naman labis na kalungkutan ang naramdaman ni Pacquiao sa biglaang pagpanaw ni Bryant

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena ang Instagram post ng boxing senator na si Manny Pacquiao bilang pag-alala sa yumaong NBA superstar na si Kobe Bryant.

Binahagi ni "Pacman" ang video ng pagbisita sa kanya ni Bryant sa Wild Card Gym sa Los Angeles California noong Nobyembre 11.

Nagti-training noon ang Pambansang Kamao para sa kanyang laban kay Juan Manuel Marquez nang biglang binisita siya ni Bryant.

Pinakita rin sa video ang pagbisita naman ni Pacman sa isa sa mga laro ni Bryant sa Smart All Stars.

Patunay lamang ito ng suporta ng bawat isa sa kani-kanilang larangan sa sports.

Nasabi pa sa video na ang pagbisita na iyon ni Bryant ay isa sa mga "best days" ng buhay ni Senator Manny.

Bakas sa mga larawan ni Pacman ang labis na kaligayahan nang makasama at makausap ang NBA Superstar.

Kaya naman ngayong pumanaw na ito, labis din ang kalungkutang nararamdaman ni Manny.

"The world lost a legend today but the impact and legacy he leaves behind will last forever," pahayag ni Manny.

Pumanaw sa isang helicopter crash si Kobe Bryant noong Enero 26.

Nagimbal ang buong mundo sa biglaang pagpanaw ng isa sa mga kiniklalang superstars sa larangan ng basketball.

Nakadagdag pa sa pighati ng marami ay nang malaman na kasama ni Bryant ang 13-anyos niyang anak na si Gianna na pumanaw din sa aksidenteng panghimpapawid.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel